Accounting is Worth Studying For

• Published on
15-Apr-2016

• View
55

• Download
6

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Perks of taking BSA course

Transcript

IRISH T. BARCELONBSA-2Kursong Sagot sa Kinabukasan at Kahirapan

Magandang umaga sa mga mahal kong kamag-aral, sa aming masipag na guro at sa lahat ng taong naririto ngayon sa aking harapan upang lubusang making, isang pagbati ng isang maganda at mapagpalang araw sa inyong lahat.

Ang Edukasyon ay katumbas ng imbisibol na susi, tulay, hagdan at sandatang panghabambuhay na bitbit ng bawat isang mayroon nito na magagamit sa kani-kanilang paglalakbay at mga labang kakaharapin sa buhay. Itoy makakatulong sa ating pangarap at ito rin ang paraan upang mapaunlad o mapalago ang ekonomiya ng ating bansa. Kaya naman sa pagtungtong sa kolehiyo, kailangang sigurado ka at napag-isipang mabuti ang iyong mapipiling maging propesyon balang-araw. Malaki ang ginagampanang papel ng kolehiyo sa buhay at kinabukasan ng estudyante, kaakibat nito ang pagpili ng kursong tatahakin. Kaya ngayon, akoy narito sa inyong harapan upang hikayatin kayo na kuhain ang isa sa mga magagandang kurso na makatutulong sainyo sa panghinaharap na buhay, ito ay ang kursong Accountancy.

Ano nga ba ang kursong Accountancy? Anu-ano ang pinagaaralan dito? Gaano ito kaimportante? Paano ito makakatulong sa ating bayan? Ano ang mga advantages na maaari nating makamit sa kursong ito? Una sa lahat, ayon kina Tagaamo at Bautista, ang Accountancy ay ang proseso ng pag-uugnay ng pinansyal na impormasyon tungkol sa isang Entity ng negosyo sa mga gumagamit nito tulad ng mgashareholders at manedyer. Ang Accountancy ay ang kurso na nauugnay sa asignaturang accounting. Ang accounting o pagtutuosay isang asignatura na may kaugnayan sa pagbabalanse ng mgabagay-bagay na nakaka-apekto sa isang negosyo. Mayroong ibat ibang uri ng accounting gaya ng Financial accounting, Public accounting, Government accounting, Forensic accounting, Management accounting, Tax accounting, at Internal auditing lahat ng ito ay pagaaralan pagdating sa higher years. Importante ang accounting sa isang bansa sapagkat ito ang nagsisilbing mata ng negosyo,nakakatulong ito upang malaman at mabantayan ang pinansyal na estado ng isang kumpanya. Alam naman nating lahat na ang mga kumpanya,korporasyon at ibat ibang negosyo ang nakakapagpataas ng ekonomiya ng isang bansa. Sa tulong ng accounting nakakagawa ngmga tamang economic decisions patungo sa ikagaganda ng estado ng Pilipinas. Kapag natapos mo ang kursong ito, ikaw ay magiging isang ganap na accountant. Ayon sa blogger na si Dadizon, ang Tagatuos oAccountantay ang siyang namamahala sa mga usaping pinansiyal ng isang Bisnes. Inihahanda nito ang pagpaplano ng badyet para sa kumpanya, pag-aayos ng mgaaccountsat pagsasagawa ng mga kalkulasyon sa mga pang-araw-araw na operasyon ng kumpanya. Maraming advantages ang isang accountant ngunit mas maganda kung maipasa mo ang Board Exam at maging isang CPA o Certified Public Accountant. Isa sa mga advantages nito ay ang pagkakaroon ng mas malaking sahod kumpara sa ibang trabaho. Ayon kay Jasmin Romero, ABS-CBN News, ang mga accountant o mga nasa banking at financial services ay may lagpas P63,000 na sweldo. Bukod dun ay maaari ka ring ipadala sa ibat ibang bansa ng iyong napasukang kumpanya. Marami ka ring mapagpipilian na trabaho na nais mong pasukin , pwede ka pamasok sa Gobyerno o sa malalaking kumpanya.

Ang kursong accountancy ay masasabing isang mahirap na kurso batay samga sinasabi ng mga nakakarami.Ngunit ito rin ang isa sa mga magandang maging propesyon dahil bukod sa mga pakinabang na iyong makukuha mula dito ay makakatulong ka pa sa pag papaunlad ng bansa at sa pagpigil ng korupsyon. Hindi ka rin mawawalan ng trabaho sa kursong ito sapagkat ang accountancy ay isang kursong in-demand sa buong mundo. Kaya ngayon, nasa iyong mga kamay ang desisyon kung nais mong makaahon sa kahirapan ang ating bansa at makamit ang sariling tagumpay.

-ACCOUNTING IS WORTH stuDYING FOR-