Dito Sa Metro Manila,

  • Published on
    17-Nov-2015

  • View
    11

  • Download
    0

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Reaction about joining a rally

Transcript

Dito sa metro manila, halos lahat ng tao ay gustong umunlad ang kanilang buhay. Ang pagbabago ay bukas loob nating tinatanggap. Sa karanasan ko sa pakikipanayam sa katutubong pinoy, malaki ang pagpapahalaga nila sa kultura at tradisyon. Ang bansa natin ay pilit hinahabol ang mga katabing mayayaman na bansa. Biniyayaan tayo ng mga likas na yaman na nais sana'y pagyamanin ng gobyerno. Tahanan ito ng mga katutubo at syempre maayos na ang sistema ng kanilang pamumuhay. Hindi madaling pakawalan ang bagay na sentimental sa kanila. Para sa akin para sa kapakanan ng bawat Pilipino, matuto silang magadjust pero dapat sikapin ng gobyerno na ang desisyon nila ay ang pinakamakabubuti. Sa dami ng sakop, walang perpektong desisyon at lahat ng tao ay may kanya kanyang opinyon. Halimbawa na lamang ng road widening project. Dahil matraffic, napagdesisyunan ito kahit pribado man ang lupang matatamaan. Sakripisyo na lang at sumunod sa modernisadong mundo ang pinakamagandang desisyon. Wala namang natutuwa na nahihirapan ang kapwa nila. Sa totoo lang, di sasagi sa isipan ko ang mga katutubo kung di dahil sa karanasang ito. Naiintindihan ko sila ngunit bakit madaming katutubo ang palaboy at nanlilimos. Marahil ito ang pinili nilang bagong kabuhayan matapos mapaalis. Sa paglipat nila ng lugar, hindi lang trabaho ang nawawala kundi pati na ang kultura nila. Kung mamalasin, ang iba'y pati ang sariling buhay.