Features Writing

  • Published on
    27-Oct-2015

  • View
    1.118

  • Download
    5

Embed Size (px)

DESCRIPTION

powerpoint

Transcript

  • Pagsulat ng Tanging Lathalain

    (Writing Features)

  • Katuturan:Isang sanaysay batay sa tunay na pangyayari na nagtataglay ng mga pagpapaliwanag, sanligan, at impresyon ng sumulat. Hindi ito katha-katha lamang.

  • Nagtataglay ito ng maramdamin,personal o mapagpatawang pangyayari.Layunin nito na manglibang kahit na itoy maaari ring magpabatid o makipagtalo.

  • Isang uri ng pamahayagan na nag-uulat ng mga makatotohanang bagay o pangyayari batay sa pag-aaral, pananaliksik o pakikipanayam at sinusulat sa isang paraang kawili-wili.

  • Anyo:Maaring isulat sa anumang porma, anyo o istiloMaaari ring isulat sa ayos ng baliktad na piramide tulad ng isang balita o sa ayos pasalaysay (narrative).

  • KATANGIAN NG TANGING LATHALAIN Walang tiyak na haba Batay sa katotohanan Maaaring sulatin sa anumang anyo, istilo, o pamamaraan

  • KATANGIAN NG TANGING LATHALAINGinagamitan ng makabagong pamatnubay (novelty)Nasusulat sa himig na payak na nakikipagkaibiganMaaaring sulatin sa una, ikalawa o ikatlong panauhan

  • KATANGIAN NG TANGING LATHALAIN

    Pinakalamayang pagsulat sa lahat ng uri ng pampahayagang akdaMaaaring gumamit ng pang-uri, tayutay o idyoma hanggat kailangan

  • KATANGIAN NG TANGING LATHALAIN

    Nagsasaad ng mga ulat batay sa masusing pag-aaral, pananaliksik at pakikipanayamKaraniwang nasusulat sa paraang pataas ang kawilihanMay panimula, katawan at wakas

  • 1. Magpabatid2. Magturo3. Magpayo4. Manlibang

  • KAIBHAN NG TANGING LATHALAIN SA IBANG ARTIKULO

    LATHALAINIBANG ARTIKULO1. NAGSASAAD NG KATOTOHANAN BATAY SA ULAT 1. BUNGANG ISIP NG MAY-AKDA2. NAGLALAMAN NG MGA KURU-KURO O PAGPAPAKAHULUGAN NG MAY-AKDA TUNGKOL SA ISANG BALITANG NAILATHALA, NGUNIT ANG BINIBIGYANG-DIIN AY ANG MGA NALIKOM NA TALA AT ULAT 2. NAIIBA SA PANGILONG TUDLING

  • KAIBHAN NG TANGING LATHALAIN SA IBANG ARTIKULO

    LATHALAINIBANG ARTIKULO3. NAGTATAGLAY NG KURU-KURO NG NG MAY-AKDA SA ANYO NG PAGPAPALIWANAG , PAGPAPAKAHULUGAN O PUNA.3. NAIIBA SA BALITA NA NAG-UULAT LAMANG KUNG ANO ANG MGA NANGYAYARI4. TULAD NG ISANG SANAYSAY O ALAYSAY NA PAMPANITIKAN, SUBALIT NAGTATAGLAY NG HIGIT PANG KATANGIAN TULAD NG MALALIM NA KAHULUGAN AT MALAWAK NA PAKSA.4. ANG PAMPANITIKAN AY MGA KATHANG ISIP NA HINAHABI NG MANUNULAT

  • KAIBHAN NG TANGING LATHALAIN SA IBANG ARTIKULO

    LATHALAINIBANG ARTIKULO5. NASA PAGITAN NG BALITA AT NG PANGULONG TUDLING ANG PANITIKAN AY MASINING NA PAGHABI NG MGA PANGYAYARI, TAUHAN AT DAMDAMIN NA PAWANG BUKAL NG ISIPAN LAMANG.

  • Itoy nagbibigay ng kapakipakinabang na ulat, nagdadagdag ng kaalaman o karunungan at may layuning magturo o magpayo. Hal. Tips upang makatipid sa KuryenteLATHALAING NAGPAPABATID(Informative Feature)

  • Itoy batay sa isang balitang nakapupukaw damdamin. Pinalalawak nito ang bahagi ng balita na may pangyayaring di-pangkaraniwan, may kababalaghan. o makabagong likha na nakapagbigay sa mambabasa ng kaalaman, simpatiya at kawilihan.Hal. Panaghoy sa Huling Paghukay ng mga Bangkay sa LeyteLATHALAING PABALITA(News Feature)

  • Paglalarawan ng mga kilalang tao, ang kanilang buhay, karanasan, gawain, patakaran sa buhay at dahilan ng kanilang tagumpay o kabiguan. Hal: Gemma Tabinas: Ala-ala ng Lagim at Pagtatagumpay PANGKATAUHANG LATHALAING DAGLI (Personality or Character Sketch)

  • Kasaysayan ng tao, bagay o lunan. Nahahawig sa lathalaing nagpapabatid.Hal: Sulyap sa Tulay na Pinaglabanan ARATAN: Noon at Ngayon LATHALAING PANGKASAYSAYAN (Historical Feature)

  • Di pangkaraniwang karanasan ng manunulat o ng ibang tao ayon sa pagkakasalaysay sa may-akda.Hal: Takipsilim sa Bukang-Liwayway Sa Wakas! This is the Moment LATHALAING PANGSARILING KARANASAN (Personal Experience or Adventure)

  • Ulat hinggil sa mga kuro-kurong nakuha sa pamamagitan ng pakikipanayam.Hal: Barzaga sa Pagsulong ng Dasma: Isang PanayamLATHALAING PAKIKIPANAYAM(Feature Interview)

  • Layunin nitoy magbigay kaaliwan, gamot sa mga taong nalulumbay, pampalipas oras. Hal: Si Diglow at si Dighay Huwag mo nang basahin itoLATHALAING PANLIBANG (Entertainment Feature )

  • KARANASAN O PAKIKIPAGSAPALARAN (Experience or Adventure) 2. PAGLALARAWAN NG ISANG TAO, LUNAN, O PANGYAYARI(Description ) 3. KASAYSAYAN NG ISANG PANGYAYARI (Historical Background)

  • 4. PANGKATAUHANG-DAGLI (Personality Sketch)5. SALAYSAYIN(Narrative) 6. PANGKAUNLARANG LATHALAIN(DevelopmentalFeature)7. LATHALAING Ano o Paano ang Gagawin (How-to-do and What-to-do articles

  • Panretorikang Tanong (Rhetorical Question )Hal. Sino ang mag-aakala na maaaring magtagpo ang dalawang nilalang na nasa ibat ibang panahon? Ito ang pinatunayan ng dalawang pangunahing karakter sa pelikulang Moments of Love.

  • 2. Panggulantang na Pahayag (Startling Statement)Hal. Bukas kayo ang susunod na mamatay! Ito ang sumpa ng isang ina matapos iwanan ng mga armadong kalalakihan ang nakahandusay na bangkay ng kanyang anak.

  • 3. Pasalaysay na Pasimula (Narrative Opening Hal. Nang mapadpad sya sa Dasmarias ay limampung piso ang laman ng kanyang bulsa. Isang palamigan ang kanyang sinimulang ikabuhay. Nagpasyang mag-aral sa gabi at sa katapusan ng Marso, isa sya sa mapalad na tatanggap ng diploma.Sya ay si Manuel Cruz, BSIT, IV-1E1.

  • 4. Siniping Sabi ( Quoted Remark) Hal. Huwag mo lamang isaisip ang iyong ambisyon, puntahan mo ito upang iyong marating. Ito ang kanyang kagyat na sagot ng tanungin ko hingil sa kanyang naging panuntunan upang tanghaling Outstanding School Paper Adviser of the Philipiines sa taong ito.

  • 5.Isang Kasabihan, Salawikain, o Talinghaga ( Maxim, Proverb, or Aphorism)Hal. Ang hindi magmahal sa sariling wika ay daig pa ang amoy sa malansang isda. Itoy isang paboritong salawikaing patungkol sa wika na ipinagbilin sa atin ni Gat. Jose Rizal na hindi ininda ni Ramil Gomez, matapos nyang kamtin ang Doctoral Degree sa Foreign Languages na nagbigay daan upang makapagsalita sya ng 50 ibat ibang wika ng mundo.

  • 6.Suliraning dapat na pagtalunan sa artikulo , o pangyayaring dapat na patunayan (Problems to be discussed in the article or fact to be established)Hal. May kasagutan sa mabilis na pagtaas ng halaga ng gulay. Magtanim ka.

  • Buod (Summary of the Whole Article) Pahayag ng Pinakamahalagang Bahagi(Announcement of the main Point)3. Katanungang nabuo sa kaisipan ng Mambabasa( A Question Left in the Readers Mind)4. Mungkahing ukol sa kahihinatnan(Suggested Results or Significance)

  • 5. Isang Porkast o Hula(A Forecast or Prophecy)6. Pag-uulit ng Panimula(Repetition of the Introduction)7. Pag-uulit ng mga Salita sa Pamagat(repetition of the Words Found in the Title or the title itself)8. Isang Angkop na Sinipi(An Appropriate Quotation)

  • KATANGIAN NG MANUNULAT NG TANGING LATHALAIN1. Handang manaliksik2. Masigasig at masiyasat sa pagkuha ng tala3. May kakayahang magawang lathalain ang balita4. May sariling pamamaraan at istilo sa pagsulat

  • PAYO SA BAGONG MANUNULAT 1. Samahan ng anekdota2. Gamitin ang mga siniping sabi 3.Magbigay ay tiyak na halimbawa 4. Gumamit ng usapan at katutubong kulay 5. gawing maikli ang talata6.tapusin sa pang-ugnay na katapusan (tie in)7. Gawing nakakaintrega

  • PAANO IHANDA ANG BATA SA PALIGSAHAN sa Pagsulat ng Lathalain?

    1. Tiyaking naituro sa bata ang konsepto at paraan ng pagsulat.

    2.Pabasahin ang bata ng ibat ibang uri ng tanging lathalain.

    3. Turuan ng mga wastong gamit ng balarila at mga paraang pampanitikan. 4. Magsanay sumulat ng maayos, malinis at naiintindihang sulat kamay. Itim na tinta ang gamitin.

  • PAANO IHANDA ANG BATA SA PALIGSAHAN sa Pagsulat ng Lathalain?

    5. Alamin ang istilo at pamantayan ng hurado.

    6. Alamin ang mga kasalukuyang isyu ng pamahalaan , simbahan at lipunan. 7. Alamin ang kasaysayan, heograpiya at kultura ng bayan kung saan ginaganap ang komperyensa.

    8. Pasulatin ng lathalain ang lalahok na bata hinggil sa mga inaasahang subject matter na ibibigay ng hurado. Basahin, iwasto at magbigay ng komento.

  • PAANO IHANDA ANG BATA SA PALIGSAHAN sa Pagsulat ng Lathalain?

    9. Baunin sa isipan ang mahahalagang datos ng inaasahang subject matter, gayundin gumawa sa isipan ng bangko ng termino at mga sikat na talatang pampanitikan.

    10. Upang matiyak na may maisusulat at makasusulat ang bata, dapat na ang kanyang mga kaisipan ay kanyang naikukwento sa inyo.

    11. Ipadama sa bata ang inyong kalinga, suporta at pagmamahal.

  • PAANO IHANDA ANG PAHINANG LATHALAIN?

  • Alamin ang bilang ng pahinang nakalaan sa lathalain.Gumawa ng talaan ng mga uri ng artikulong nais lamanin ng mga pahina. Dapat na kumpleto ang ibat ibang uri.Alamin ang mga napapanahong isyu, mga uso, sikat at pinag-uusapan. Isaalang-alang ang mag pagpapahalaga values na maaaring iugnay dito.

  • 4. Itala ang mga artikulo na ipasusulat at lalamanin ng pahina. Ituka sa mga manunulat ang mga ito.5. Lagyan ng kaaya-ayang larawan ang mga pangunahing artikulo. Dapat na ang mga larawan ay malinaw at may mensaheng ipinahihiwatig.6. Anyuin ang pahina sa paraang balanse, malakas ang dating, makulay, may liwanag at dilim. Dapat na balanse ang espasyo ng lawaran at teksto. 7. Maaaring lagyan ng kaaya-ayang palamuti ang pahina.

  • 8. Maraming larawan ang makukuha sa INTERNET, mas malinaw ito keysa sa gugupitin sa peryodiko.9. Laruin ang pahina, maging masining at malikhain. Ang orihinal na guhit ay sining na makadaragdag sa oridyinaliti ng pahina. 10. Sa mga baguhan, gawing imahen ang mga pahayagan sa palagay nyo ay magaganda, kilala at sumusunod sa pamantayan ng pamamahayag.

  • 11. Tiyaking, may dating ang mga pamagat, akma an