KRISIS SA PINAS

  • Published on
    16-Aug-2014

  • View
    21

  • Download
    7

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Hay naku!!! Magulo na tlaga s ating sinilangang bayan.......

Transcript

Hay naku!!! Magulo na tlaga s ating sinilangang bayan! Pag nanood k ng news s TFC, sa halip na marelax k madidismaya ka. Pano ba naman ang balita kundi gyera s Mindanao, rally nman s kamaynilaan. Kundi patayan kung saan saan, gang rape nman s ibang bayan. Debate s senado, away s kongreso parepareho namang sintunado ang tono. Bakit di n lang kya sila magkasundo para naman mabigyan ng madaliang solusyon ang mga problemang dinaranas n gating mga kababayan. Katulad na lamang ngayon. May krisis s tubig. Marami nang mga pananim ang natutuyo dahil s kakulangan ng tubig dhil hindi umuulan. Marami s palayan s gitnang Luzon ang bitak bitak na ang lupa. Nakakatakot n sitwasyon sapagkat sa kanilang ani umaasa ang maraming Pilipino ng supply ng bigas. Kung hindi matutugunan ang kanilang problema, malamang n magkaron na din ng krisis sa bigas. May gingawa din naman an gating pamahalaan tungkol dito. Nag laan si GMA ng mahigit s 20M piso para s cloud seeding habang hindi pa umuulan. Yun nga lamang hindi natin alam kung ang nasabing halaga ay mauubos nga ba s naturang proyekto o patatabain na naman ang bulsa ng mga nasa pwesto. Tumutulong na din ang simbahang katoliko. Sa pangunguna ni Cardinal Gaudencio Rosales, nag aalay ng espesyal na misa at panalangin ang mga pari, madre at mga deboto sa buong bansa para umulan. Pero ano ito?!!! Ang mga taga Sorsogon ang panalangin naman, sana ay hindi umulan!!!! Kapag umulan nga nman aagos na naman ang mga naglalakihang bato at putik pababa ng Bulkang Bulusan!!! Paano b ito!!! Hindi naman kya pati ang Panginoon ay malito!!!!

Recommended

View more >