Love of country (2)

  • Published on
    06-May-2015

  • View
    2.121

  • Download
    15

Embed Size (px)

Transcript

  • 1.LOVE OF COUNTRY

2. LOVE OF COUNTRY/PAG-IBIG SATINUBUANG BAYAN/ EL AMOR PATRIA Rizal wrote this essay in Spain-June1882 Rizal wrote this essay when he was21 yrs. Old It was published under the name oflaong laan in Diariong TagalogManila(august 20,1882) In La Solidaridad in Madrid on 31stOctober 1890 3. PAG-IBIG SA TINUBUANG LUPA- Jose Rizal Narito ang isang magandang paksa; at dahil din sa kanyang kagandahan ay napakadalas nang talakayin. Angpantas, makata, makasining, manggagawa, mangangalakal, o mandirigma, matanda o bata, hari o alipin -- anglahat ay nakapag-isip na tungkol sa kanya, at nakapaghandog ng pinakamahalagang bunga ng kanilang isip ong kanilang puso. Buhat sa taga Europang mulat, malayat mapagmalaki sa kanyang maluwalhatingkasaysayan, hanggang sa negro sa Aprika, na hinango sa kanyang mga kagubatan at ipinagbili sa hamak nahalaga; buhat sa matatandang bayang ang mga aninoy aali-aligid pa sa kanilang mga mapapanglaw ng guho,libingan ng kanilang mga kaluwalhatiat pagdurusa, hanggang sa mga bansang makabagot lagi ng kumikilosat puno, ng buhay, ay nagkaroon ay mayroong isang pinakamamahal na dilag, maningning, dakila, ngunitwalang habag at malupit, na tinatawag na Inang-Bayan. Libu-libong dila ang sa kanyay umawit, libu-libongkudyapi ang naghandog sa kanya ng kanilang mga makatang lalong matataas ang pangarap, ang naghain sakanyang harap o sa kanyang alaala ng kanilang piankamaningning na katha. Siya ang naging sigaw ngkapayapaan ng pag-ibig at ng kaluwalhatian, palibhasay siya ang laman ng lahat ng pag-iisip, at katulad ngliwanag na nakukulong sa isang malinis na bubog, siyay tumatagos hanggang sa labas, na parang mga sinagna buhay na buhay.At ito bay magiging sagwil upang siyay pag-ukulan natin ng panahon? At tayo bay hindi maaaring mag-ukolsa kanya ng anumang bagay, tayong walang ibang kasalanan kundi ang pagkakahuli ng pagsilang samaliwanag? Nagbibigay ba ang dantaong ika-labinsiyam ng karapatang huwag kumilala ng utang na loob?Hindi. Hindi pa nasasaid ang mayamang mina ng puso; sagana pa tuwina ang kanayang alaala, at bahagyaman ang pagkakapukaw ng kanyang alaala, at bahagya man ang pagkapukaw ng ating kalooban, aymakasusumpong tayo sa kaibuturan ng ating kaluluwa na kung di man isang masaganang kayamanan, ayabuloy na bagaman dahop ay puspos naman ng kasiglahan. Katulad ng mga matatandang ebreong nangag-alay sa templo ng mga kauna-unahang bunga ng kanilang pag-ibig, tayong mangingibang lupain ay nag-uukolng mga kauna-unahang tinig sa ating Inang-Bayang nababalot ng mga panginorin at mga ulap ng umaga, laginang maganda at matulain, at sa tuwi-tuwinay lalong sinasamba habang sa kanyay nawawalay at nalalayo. 4. At itoy hindi nararapat pagtakhan sa dahilang ang pag-ibig sa inang-bayay isang damdaming tunay na katutubo;sapagkat naroroon ang mga kauna-unahang alaala ng kamusmusan, isang masamang tulang awitin na ang kabataanlamang ang nakakikilala at sa mga bakas nitoy sumisibol ang bulaklak ng kawalang-malay at ng kaligayahan;sapagkat dooy nahihimbing ang buong nakaraan at nababanaagan ang isang hinaharap; sapagkat sa kanyang mgakagubatan at sa kanyang mga kaparangan, sa bawat punungkahoy, sa bawat halaman, sa bawat bulaklak, ay nakikitaninyong nakaukit ang gunita ng isang nilikhang minamahal ninyo, gaya ng hininga niya sa mahalimuyak na simoy nghangin, ng kanyang awit sa mga bulong ng bukal, ng ngiti niya sa bahaghari ng langit,o ng mga buntung-hininga niyasa magulong halinghing ng hangin sa gabi. Ang sanhi nitoy sapagkat dooy nakakikita kayo, sa pamamagitan ng mgamata ng inyong gunita, sa ilalim ng tahimik na bubong ng matandang tahanan, ng isang angkang nag-aalaala atnaghihintay sa inyo, nag-uukol sa inyo ng mga isipan at mga pagkabalisa nila; sa wakas, sapagkat sa kanyang langit, sakanyang araw, sa kanyang mga karagatan at sa kanyang mga kagubatan ay nakakatagpo kayo ng tulain, ng paggiliw atng pag-ibig, at hanggang sa libingan na ring pinaghihintayan sa inyo ng isang abang puntod upang kayoy isauli sasinapupunan ng lupa. Mayroon kayang isang kadiyusang nagtatali ng ating mga puso sa lupa ng ating inang-bayan, nanagpapagandat nagpaparilag sa lahat, naghahandog sa atin ng lahat ng bagay sa ilalim ng isang anyong matulain atmalambing, at nakararahuyo sa ating mga puso? Saapagkat sa papaano mang anyo humarap siya, magingnararamtan ng matingkad na pula, napuputungan ng mga bulaklak at laurel, makapangyarihan at mayaman; magingmalungkot at nag-iisa, nababalot ng basahan, at alipin, nagmamakaawa sa kanyang mga anak na alipin din; maginganakiy diwata sa isang halamang maalindog, naliligid ng mga bughaw na alon ng karagatan, nakahahalina at marikit,gaya ng pangarap ng napaglalalangang kabataan; maging natatakpan ng isang lambong ng yelo, nakaupongmalungkot sa mga dulo ng daigdig, sa silong ng isang langit na walang araw at walang tala; maging anuman angkanyang ngalan, ang kanyang gulang o ang kanyang kapalaran, siyay lagi na nating minamahal, gaya ng pagmamahalng anak sa kanyang ina sa gitna ng gutom at ng karalitaan. 5. At bagay na kataka-taka! Habang siyay lalong abat kulang-palad, habang lalong nagdurusa nang dahil sa kanya, ay lalonaman siyang sinasamba hanggang sa nagtatamo ng kaligayahan sa pagtitiis ng dahil sa kanya. Napansing ang mgananinirahan sa mga bundok at sa mga di-linang na kaparangan, at yaong mga isinilang sa lupang tigang o mapanglaw, aysiyang nag-aangkin ng lalong buhay na alaala ng kanilang bansa, at walang nasusumpungan sa mga lunsod maliban samalabis na pagkainip na siyang pumipilipit sa kanilang magbalik sa kanilang tinubuang lupa. Ito kayay dahil sa ang pag-ibig sa inang-bayay siyang pinakawagas, pinakamagiting at pinakadakila? Ang pagkilala kaya ng utang na loob, angpagkalugod sa lahat ng nakapagpagunita ng ating mga kauna-unahang araw, ang lupa kayang kinahihimlayan ng atingmga nuno, ang templong kinadoroonan ng sinasamba nating Diyos sa pamamagitan ng katapatan ng walang malay nakamusmusan; ang tunog ng batingaw na nakaaaliw sa atin buhat sa pagkabata, ang mga malalawak na kaparangan, anglawang bughaw, na may mga kaakit-akit na pasigan ng mga bulaklak na parang pugad ng pag-ibig; o ang ganitongmatamis na damdamin? Ang sigwa kaya, na kumakawala, humahagupit at naghahapay, sa pamamagitan ng kanyangkakilakilabot na haginit, ng tanang nasasagasaan sa dinaraanan niya; ang lintik kayang nakatakas sa kamay ngnakapangyayari at pumupuksa sa bawat tamaan; ang agos kaya o ang talon ng tubig, mga bagay na walang tantan ngpaggalaw at walang tugot ng pagbabala? Ang lahat kayang ito ang sa atiy nakaaakit, nakararahuyot nakahahalina?Marahil, ang mga kariktang ito o ang mga sariwang gunita ang siyang nagpapatibay sa taling bumibigkis sa atin sa lupangsinilangan at nagbubunga ng matamis na katiwasayan kapag tayoy nasa-ating bayan, o kayay ng matinding kapanglawankapag tayoy nalalayo sa kanya, simula ng isang malupit na karamdamang tinatawag na "nostalgia" (matinding pag-aalaala sa sariling tahanan o bayan).O! Kailanmay huwag ninyong pasakitang-loob ang taga-ibang lupa, ang umaahon sa inyong mga dalampasigan; huwagninyong gisingin sa kanya ang buhay na gunita ng kanyang bayan, ng mga ligaya sa kanyang tahanan, sapagkat kungmagkakagayon, silay mga sawimpalad ng gigisingin ninyo sa kanila ang karamdamang yaon, masugid na multong hindihihiwalay sa kanila hanggang hindi masilayan ang tinubuang lupa, o hanggang sa tumugpa sa bingit ng hukay.Huwag kayong magbuhos kailanman ng isang patak ng kapaitan sa kanyang puso, palibhasay sa ganitong pagkakataonay nag-iibayo ang mga dalamhati kung ihahambing sa mga kaligayahan sa nawalang tahanan. 6. Tayo ngay ipinanganganak, lumalaki, tumatanda, at namamatay na nagsisimpan ng banal na damdaming ito. Ito kaipalaysiyang lalong nananatili, kung mayroon mang kapanatilihan sa puso ng tao, at tila hindi siya humihiwalay sa atin kahit nasa libingan na rin. Si Napoleon, na nakikinikinita na niya ang madilim na kailaliman ng libingan, ay nakagunita sa kanyangPransiya, nalabis niyang pinakamahal, at sa pagkakatapoy pinaghabilinan niya ng kanyang mga labi, sa pananalig na sasinapupunan ng kanyang inang-bayan ay makakasumpong ng lalong matamis na pagpapahingalay.Si Ovidio, na lalong kulang-palad, sa pagguguniguning kahit na ang mga abo niyay hindi na makabalik sa Roma, aynaghihingalo sa Ponto Euxino, at inaaliw ang sarili sa pag-aalaalang kung hindi man siya, ang mga tula man lamang niyaymakamamalas sa kapitolyo.Noong bata pa tayoy nawili tayo sa mga laro; nang magbibinata nay nalimot na natin ang mga yaon; nang magbinatanay humanap tayo ng ating pangarap; nang mabigo naman tayoy tinangisan natin ito; at tayoy humanap ng lalong tunayat lalong kapaki-pakinabang; nang tayoy maging ama nay namatayan tayo ng mga anak at pinapawi ng panahon angating hapis, gaya ng pagpawi ng hangin sa dagat sa mga baybayin habang nalalayo sa mga ito ang sasakyan.Datapuwat, sa kabilang dako, ang pag-ibig sa inang-bayan ay hindi napaparam kailanman kapag nakapasok na sa puso,palibhasay nagtataglay sa kanyang sarili ng tatak na maka-Diyos na ikinapagiging walang kamatayat walang hanggan.Sinasabing ang pag-ibig kailanman ay siyang pinakamakapangyarihang tagapagbunsod ng mga gawang lalong magiting;kung gayon, sa lahat ng mga pag-ibig, ang pag-ibig sa inang-bayan ay siyang nakalikha ng mga gawang lalong dakila, lalongmagiting at lalong walang halong pag-iimbot. Kung hindiy bumasa kayo ng kasaysayan ng m,ga ulat ng pangyayari taun-taon, ng mga alamat; pumasok kayo sa sinapupunan ng mga mag-anak; anong mga pagpapakasakit, mga pagbabata atmga luha ang ibinubuhos sa kabanal-banalang dambana ng inang-bayan! Buhat kay Bruto, na nagparusa sa kanyang mgaanak na pinaratangan ng pagtataksil hanggang kay Guzman, ang mabuti, na pumayag na patayin ang kanyang anak,huwag lamang siyang magkulang as tungkulin; anong mga dula, mga sakuna, mga pagpapakasakit ang hindi naisagawaalang-alang sa kagalingan ng hindi mapalubay na kadiyusang iyong walang maipapalit sa mga anak nila, maliban sapasasa