Pagbabalatkayo Ng Mga Pananalitang Tagalog (Tagalog Speech

  • Published on
    30-Oct-2014

  • View
    125

  • Download
    4

Embed Size (px)

Transcript

PAGBABALATKAYO NG MGA PANANALITANG TAGALOG (TAGALOG SPEECH DISGUISE)Ni Harold C. Conklin COLUMBIA UNIVERSITY

INTRODUKSYONAng Tagalog na terminolohiya sa ganitong uri ng pananalita ay tinatawag na baliktad, na sa ibang katawagan ay maaaring inside-out, upside-down, inverted o backward. Upang mailarawan ang ganitong anyo ng larong linggwistika. Kilalanin natin ang pinkamaliit na kaayusan ng salita(smallest syntactic segement) sa isang pangungusap na kung saan ang istraktura ay mapapansing binabago. Pagkatapos isa-isahin, kilalanin natin ang kahalagahan ng ganitong pagbabago o pagpapalit. Narito ang ilang uri ng istraktura na muling pagsasaayos at paglalapi na ginagamit sa salitang baliktad.

1. REARRANGEMENT

Muling pagsasaayos ng orihinal na nalalaman: R1 pangkalahatang pagbabaliktad ng mga titik o tunog ng mga salita. Hal. etob bote kola alok asem - mesa

R2- Pagbabaliktad ng bahagi ng mga tunog sa mga salita (metatesis). Hal. Do:ti dito Ba:gi gabi han:dag di:mat damit R3 Pangkalahatang pagbabaliktad ng mga pantig sa kanyang orihinal na porma (1-2-3/ 3-2-1) Hal. To:qi ito tid:pa:ka kapatid ngit:pa pangit sugbu:banaka busog ka na ba

R4 Pagbabaliktad ng bahagi ng pantig sa kanyang orihinal na ponema (123/ 312). Hal. Damagan maganda tiskama kamatis lingmaga magaling tadbalik baliktad timabu - mabuti

PAGLALAPI

I1 Partial infixation o paggigitlapi ng bahagi (hal. PK pagkatapos ng katinig). Hal. Tuminapay tinapay Pumalaman palaman sumalapi salapi lumibro libro I2 Kabuuang paggigitlapi (Hal. PK-pagkatapos ng bawat pantig pagkatapos ng katinig). Hal. s/ag/alam/ag/at p/og/o salamat po /um/it/om/og itlog (-um-om) g/um/al/im/ing galing (-um-im-)

I3 Compound infixation bahagi ng paggigitlapi (hal. PKPK (N) hulapi.Hal. humindimipig - hindi (-um-imi-pi) pumuntamapa punta (-um-ama-pa) higindigidin hindi ( -ig-igi- n) R3 I2 - Kombinasyon ng (1-2-3/3-2-1) at kabuuang paggigitlapi (PK pagkatapos ng katinig) Hal. dimihinin hindi dihin (-um-in) d+/um/+/ih/+/in/+in lumitsama saglit litsag (-um am) l+/um/+/its/+/am/+ag umansama saan ansa (-um-am) /um/ + ans+ /am/+a

R3 I2 S- Kombinasyon ng R3 +I2 +S Hal. Umondomon doon ondo (um-om-n) um +ond+om+on yumawsaman sayaw yawsa (-um-am-n)--y+/um/+aws+/am/+/an/ lumankiman kalan-lanka (-um-im-n) ----l+/um/ +/ank+/im/+an R3I3 kombinasyon ng R3 at I3 (PKPK) Hal. Dihipindin hindi dihin (-i:pindi:p-) di+h/ipindi/+p+/in/ R3I3S - kombinasyon ng R3 at I3 +S Hal. a:ko ko:a (-a:panda:p +a+n) ---ko:+apandap+a +n (KOAPANDAPAN) wala lawa (-a:panda:p+a +n) --law+apandap+a+n (LAWAPANDAPAN)

KONGKLUSYON

Sinasabing ang ganitong uri ng baliktad na salita ay hindi nakatala. Ginagamit ito ng mga kabataan, mga taong walang asawa at mga tinedyer. Sinasalita nila ito upang hindi sila lubusang maunawaan ng mga taong nakapaligid sa kanila na kung saan ay hindi mahahayag ang kanilang mga sikreto. Ginagamit din ito sa pagbibiruan. Sinasabing 10-15% lamang ng mga katutubong nagsasalita ang nakapagsasalita ng ganitong uri ng baliktad na salita

Recommended

View more >