Q4 m5 people's power

  • Published on
    23-Jun-2015

  • View
    576

  • Download
    2

Embed Size (px)

Transcript

<ul><li> 1. 1986 EDSA People Power Revolution at ang Hamon ng Pagbabago </li></ul><p> 2. Mga Kakayahan: Naisasalaysay ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayaring naging dahilan upang maibalik ang demokrasya noong 1986 Naipahahayag ang paggalang sa opinyon at paniniwala ng kapwa mag-aaral tungkol sa mga pangyayari na may kaugnayan sa 1986 EDSAPeople Power Revolution Natatalakay ang mga salik na nakatulong sa pagtatagumpay ng 1986 EDSA People Power Revolution Napahahalagahan ang mga kontribusyong ng 1986 EDSA People Power Revolution sa pamamagitan ng pagsulat ng repleksiyon Nasusuri ang epekto ng sama-samang pagkilos ng mamamayan para sa kalayaan, demokrasya at karapatang pantao Naiuugnay ang mga kasalukuyang pangyayari sa mga hangarin noong 1986 EDSA People Power Revolution Nasusuri ang mga suliraning hindi pa nalulutas sa kasalukuyan 3. Mga Pangyayari na Nagbigay Daan sa People Power Revolution 1.DEKLARASYON NG BATAS MILITAR Sa bisa ng Proklamasyon 1081 ay isinailalim ni Pangulong Marcos ang Pilipinas sa Batas Militar noong Setyembre 21, 1972. Nagkaroon ng mga programang pang-agrikultura at pangkalikasan at pangkultura, naging tampok na proyekto din ang ibat ibang imprastraktura tulad ng mga tulay, kalsada at mga paaralan. Subalit sa kabila ng mga nabanggit na programa ay nagkaroon ng malawakang paglabag sa karapatang pantao, pagpapahirap (torture) sa mga bilanggo, paghuli at pagkulong sa mga kalaban ni Marcos sa politika (political detainees), pagbabawal sa pagsasagawa ng rally at paglilimita sa kalayaan ng mga mamamayan sa pagpapahayag. 4. 2. PAGBAGSAK NG EKONOMIYA Nagpatupad ng ibat ibang patakarang pang-ekonomiya si Pangulong Marcos sa mga unang taon ng Batas Militar. Subalit makalipas ang ilang taon ay napasakamay ni Marcos at ng kaniyang mga kamag-anak at kaibigan ang mga mahahalagang negosyo sa Pilipinas. Umiral ang tinatawag na cronyism. Dahil dito, nakontrol ng iilan ang ekonomiya ng bansa. Nagsimulang lumaki ang pagitan ng mga mayayaman at mahihirap. Unti-unti ay bumagsak ang matatag na ekonomiya ng bansa. Nakadagdag pa sa suliraning pang-ekonomiya ng Pilipinas ang pag-utang ng pamahalaang Marcos sa World Bank na umabot sa mahigit sa 17. 2 bilyong dolyar noong 1980. Lalong nawala ang tiwala ng taong bayan sa pamahalaan dahil hindi nito natutugunan ang suliranin sa kahirapan at kawalan ng disenteng pamumuhay 5. 3. KAWALANG TIWALA SA SANDATAHANG LAKAS Itinatag ng mga junior military officers ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas o Armed Forces of the Philippines(AFP) ang Reform the Armed Forces Movement o RAM. Layunin nito na ayusin ang sistema ng pamamahala at pagkakaloob ng mga posisyon sa hanay ng mga militar. Pangunahing tinutulan ng RAM ang padrino system (pagkakaloob ng posisyon at pagbibigy ng pabor dahil sa mga kaibigan at kakilala na may mataas na posisyon) sa AFP. Layunin din nito na matigil ang korapsiyon, mga ilegal at kriminal na gawain na kinasasangkutan ng mga opisyales ng Sandatahang Lakas. 6. 4. ASASINASYON KAY SEN. NINOY AQUINO Matapos ang tatlong taong pananatili sa Amerika, bumalik si Senador Ninoy Aquino sa Pilipinas. Naganap ang asasinasyon kay Sen. Aquino noong Agosto 23, 1983 sa tarmac ng Manila International Airport habang siya ay patungo sa pribadong sasakyan na inilaan sana para sa kaniyang kaligtasan. Bukod sa kaniya ay pinaslang din si Rolando Gaman na sinasabing pumatay kay Sen. Ninoy Aquino. Ang asasinasyon kay Sen. Ninoy Aquino ay lalo pang nagpalalim sa nararamdamang galit ng taong bayan sa pamahalaan dahil pinaghinalaan nila na ang rehimeng Marcos ang nasa likod ng nasabing krimen. 7. 5. 1986 SNAP ELECTIONS Napilitan si Pangulong Marcos na magpatawag ng snap election noong Pebrero 7, 1986 upang patunayan na siya pa din ang nais ng taong bayan na mamuno. Pinili ng mga nagkakaisang Pilipino si Corazon Aquino upang tumakbo bilang pangulo laban kay Ferdinand Marcos. Nagkaroon ng malawakang dayaan sa eleksiyon. Patunay dito ang pag-alis (walkout) ng mga computer technicians dahil pinipilit sila na baguhin ang bilang ng boto pabor para kay Marcos. Matapos ang pagbibilang, dalawa ang naging pangulo ng Pilipinas. Idineklara ng Batasang Pambansa na si Marcos ang nanalo. Samantala ayon naman sa National Movement for Free Elections (NAMFREL), si Cory ang nagwagi. Sa halip na matakot, sinabi ni Corazon Aquino na magiikot siya sa iba-t ibang bahagi ng bansa upang ipanawagan na i-boycott ang mga produkto ng mga kompanya na kilalang crony o kaalyado ni Pangulong Marcos 8. Snap Election Noong ika-7 ng Pebreo 1986, idinaos ang snap presidential election. Muling tumakbo bilang pangulo si Marcos kasama si Arturo Tolentino bilang vice-president. Naging kalaban nila si Corazon Aquino at Salvador Laurel ng partidong LABAN (Lakas ng Bayan). 9. Civil Disobedience Sa opisyal na bilang ng COMELEC, lumabas na nanalo sina Marcos at Tolentino sa halalan. Ngunit hindi ito tinanggap ng mga taga- suporta nina Aquino at Laurel. Nanawagan si Corazon Aquino sa mga Pilipino ng civil disobedience o payapang pagprotesta laban sa pamahalaang Marcos. 10. EDSA People Power Revolution Naging mitsa ng EDSA Revolution ang pagtiwalag nina Defense Minister Juan Ponce Enrile at Gen. Fidel V. Ramos sa administrasyong Marcos noong Peb. 22, 1986. Sa panawagan ni Cardinal Sin, dumagsa ang mga tao sa EDSA upang maiwasan ang paglusob ng mga puwersang militar ng pamahalaan. Nanawagan sila ng pagbibitiw sa pwesto ni Pang. Marcos. 11. Patuloy na dumagsa ang mga tao sa EDSA. Kasabay nito, maraming mga tauhan ng pulis at militar ang tumiwalag ng suporta sa pamahalaang Marcos. Dahil dito, tuluyan ng nagbitiw sa pwesto si Pang. Marcos at umalis ng bansa patungong Hawaii. EDSA People Power Revolution 12. Pagbabalik ng Demokrasya Matapos ang paglisan ni Marcos, nanumpa bilang ikapitong pangulo ng bansa si Corazon C. Aquino noong Peb. 25, 1986. Ito ang naging wakas ng Bagong Lipunan at muling pagbabalik ng demokrasya sa bansa. 13. AWIT-GUHIT HANDOG NG PILIPINO SA MUNDO By: Apo Hiking Society ( http://videokeman.com/apo-hiking-society/handog-ng-pilipino-s Retrieved on November 17, 2012) Di na ko papayag mawala ka muli. Di na ko papayag na muli mabawi, Ating kalayaan kay tagal natin mithi. Di na papayagang mabawi muli. Magkakapit-bisig libo-libong tao. Kay sarap palang maging Pilipino. Sama-sama iisa ang adhikain. Kelan man di na paalipin. 14. Ref: Handog ng Pilipino sa mundo, Mapayapang paraang pagbabago. Katotohanan, kalayaan, katarungan Ay kayang makamit na walang dahas. Bastat magkaisa tayong lahat. Masdan ang nagaganap sa aming bayan. Nagkasama ng mahirap at mayaman. Kapit-bisig madre, pari, at sundalo. Naging Langit itong bahagi ng mundo. Huwag muling payagang umiral ang dilim. Tinig ng bawat taoy bigyan ng pansin. Magkakapatid lahat sa Panginoon. Itoy lagi nating tatandaan. (repeat refrain two times) Coda: Mapayapang paraang pagbabago. Katotohanan, kalayaan, katarungan. Ay kayang makamit na walang dahas. Bastat magkaisa tayong lahat! 15. SIMSIMBOLO BOLO SIMBOLO SIMBOLO Pamprosesong Tanong: 1. Bakit ito ang simbolo na iyong iginuhit? 2. Anong pangyayari Pamprosesong Tanong: 1. Bakit ito ang simbolo na iyong iginuhit? 2. Anong pangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas ang tinutukoy sa awitin? Ipaliwanag. 3. Paano ipinaglaban ng mga Pilipino ang kanilang karapatan at kalayaan sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Marcos? sa kasaysayan ng Pilipinas ang tinutukoy sa awitin? Ipaliwanag. 3. Paano ipinaglaban ng mga Pilipino ang kanilang karapatan at kalayaan sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Marcos? 16. Gawain 1: Photo-Suri Suriin ang mga larawan na may kaugnayan sa 1986 EDSA People Power Revolution. Punan ng tamang sagot ang chart. LARAWAN DESKRIPSIYON SEKTOR (Mamili sa mga sumusunod: Simbahan, Pamahalaan, Sundalo, Pangkaraniwang Mamamayan) PAANO IPINAKITA ANG PAKIKIPAGLABA N PARA SA KALAYAAN KAHALAGAHAN O KONTRIBUSYON PARA SA PAGKAMIT NG KALAYAAN LARAWAN A LARAWAN B LARAWAN C LARAWAN D 17. LARAWAN A Kabilang ang mga pari at madre na nakiisa sa mga Pilipino noong 1986 EDSA People Power Revolution. LARAWAN B Kahit mga pangkaraniwang mamamayan at mga kabataan ay nagtungo din sa EDSA upang makiisa sa panawagan ng taong bayan. 18. LARAWAN C LARAWAN D Sina Don Chino Roces (itaas), Gng. Corazon Aquino (kanan, itaas) at dating Defense Minister Juan Ponce Enrile at Gen. Fidel Ramos, mga kilalang personalidad na nakilahok sa 1986 EDSA People Power Revolution. Ipinakikita sa larawan ang paghahandog ng pagkain at bulaklak sa mga sundalo na inutusang paalisin ng puwersahan ang mga tao sa EDSA. 19. Pamprosesong Tanong 1. Masasabi mo ba na ang 1986 EDSA People Power Revolution ay pagkilos para makamit ang kalayaan? Bakit? 2. Nakamit ba ang pagkakaisa ng ibat ibang sektor ng lipunan dahil sa nasabing pangyayari? Patunayan. 3. Sa iyong palagay, ano ang naging dahilan sa likod ng tagumpay ng 1986 EDSA People Power Revolution? Ipaliwanag. 20. Gawain 2 Guhit-Kasaysayan Gumuhit ng comic strip na may walo hanggang sampung story frames tungkol sa mga kaganapan noong 1986 EDSA People Power Revolution. 21. Gawain 3 TULONG-ISIPAN Humanap ng iyong kamag-aaral na magiging katuwang sa pagsagot sa mga tanong. Magsasalitan kayo sa pagtanong at pagsagot. Isulat ito sa graphic organizer na makikita sa ibaba. Ibahagi sa klase ang inyong mga sagot. Bakit mahalaga ang naganap na 1986 EDSA People Power Revolution? SAGOT (IKAW) SAGOT (KAMAG- AARAL) Kung ikaw ay nabubuhay noong naganap ang 1986 EDSA People Power revolution, makikilahok ka din ba dito? Bakit? Bilang Pilipino, bakit dapat mong ipagmalaki ang 1986 EDSA People Power Revolution? 22. Gawain 4 Mga Pagbabago PAMAHALAAN Ipaliwanag ang mga pagbabagong naganap sa Pilipinas dulot ng 1986 EDSA People Power Revolution. Isulat ito sa loob ng kahon. PAMAHALAAN UGNAYAN NG MGA MAMAMAYAN KALAYAAN SA PAMAMAHAYA G DIWA NG DEMOKRASYA 23. Gawain 5 Mind Map Ang sumusunod ay mga konsepto at salita na may kaugnayan sa paksang tinalakay. Ayusin ang mga ito upang makabuo ng flowchart na nagpapakita ng kaugnayan ng mga konsepto sa pagpapanumbalik ng demokrasya sa Pilipinas. Sumulat ng tatlo hanggang limang pangungusap na paliwanag ukol sa nabuong flowchart DEMOKRASYA 1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION MAMAMA YAN KALAYAAN SAMA-SAMANG PAGKILOS KARAPATANG PANTAO 24. Inaugural Address of CORAZON C. AQUINO Club Filipino, San Juan, Metro Manila February 25, 1986 My brothers and sisters: I am grateful for the authority you have given me today. And I promise to offer all that I can do to serve you. It is fitting and proper that, as the rights and liberties of our people were taken away at midnight twenty years ago, the people should firmly recover those lost rights and liberties in the full light of the day. Ninoy believed that only the united strength of a people can overturn a tyranny so evil and so well organized. It took the brutal murder of Ninoy to bring about the unity, the strength, and the phenomenon of People Power. That power has shattered the dictatorship, protected the honorable military who have chosen freedom, and today has established a government dedicated to the protection and meaningful fulfillment of the peoples rights and liberties. We were exiles in our land we, Filipinos, who are at home only in freedom when Marcos destroyed the Republic fourteen years ago. Through courage and unity, through the power of the people, we are home again. And now, I would like to appeal to everyone to work for national reconciliation, which is what Ninoy came back home for. I would like to repeat that I am very magnanimous in victory. So I call on all those countrymen of ours who are not yet with us to join us at the earliest possible time so that together we can rebuild our beautiful country. As I always did during the campaign I would like to end with an appeal for you to continue praying. Let us pray for Gods help especially during these days. 25. Sagutin ang sumusunod na tanong: 1. Kailan naganap ang panunumpa ni Pangulong Corazon Aquino? __________________________ 2. Saan ito isinagawa?____________________________ 3. Sino ang kaniyang pinatutungkulan o kinakausap sa kaniyang talumpati? _________________ 4. Ayon kay Pangulong Aquino, sino o ano ang nagluklok sa kaniya sa pagiging pangulo ng bansa? ____________ _______________________________________ 5. Ipaliwanag ang kahulugan ng huling bahagi ng kaniyang talumpati I call on all those countrymen of ours who are not yet with us to join us at the earliest possible time so that together we can rebuild our beautiful country. _________________________________________________ ____________________ 26. Gawain : Ayon sa Pangulo Suriin ang talumpati ni Pangulong Corazon Aquino. Punan ng tamang sagot ang graphic organizer. Ilahad ang iyong sagot sa klase. Mga pangunahing hamon o suliranin ng Pilipinas ayon sa Talumpati ni Pangulong Corazon Aquino 27. Sagutin: 1. Sino ang pangunahing dahilan ng tagumpay ng 1986 EDSA People Power Revolution ayon sa talumpati ni Pangulong Corazon Aquino? 2. Sa mga nabanggit na suliranin o hamon, alin para sa iyo ang pinakamahirap na masolusyunan? Bakit? 3. Paano napanumbalik ang diwa ng demokrasya ayon kay Pangulong Corazon Aquino? 4. Sa iyong palagay, ano ang kahalagahan ng pagkakahalal kay Pangulong Corazon Aquino bilang kapalit ni Pangulong Ferdinand Marcos? 28. Gawain Suri-Teksto. Makibahagi sa inyong pangkat. Makikita ang mga bahagi ng talumpati ni Pangulong Corazon Aquino. Sumulat ng lima hanggang sampung pangungusap na paliwanag ukol sa iyong pagkakaunawa sa mga ito. Ilahad ang sagot ng inyong pangkat sa klase. 1. I am grateful for the authority you have given me today. And I promise to offer all that I can do to serve you. 2. It is fitting and proper that, as the rights and liberties of our people were taken away at midnight twenty years ago, the people should firmly recover those lost rights and liberties in the full light of the day. 3. . . . only the united strength of a people can overturn a tyranny so evil and so well organized . . . . That power has shattered the dictatorship, . . . and today has established a government dedicated to the protection and meaningful fulfillment of the peoples rights and liberties. 29. 4. And now, I would like to appeal to everyone to work for national reconciliation . . . So I call on all those countrymen of ours who are not yet with us to join us at the earliest possible time so that together we can rebuild our beautiful country. 5. As I always did during the campaign I would like to end with an appeal for you to continue praying. Let us pray for Gods help especially during these days. 30. Sagutin: 1. Bakit nagpapasalamat si Pangulong Corazon Aquino sa taong bayan? 2. Anong panahon ang tinutukoy ni Pangulong Aquino na hatinggabi (midnight)? na umaga (day)? Paano ito nagkakaiba? 3. Paano nabigyang wakas ang pamahalaang diktaturyal na itinatag ni Pangulong Marcos? 4. Bakit hinihikayat ni Pangulong Corazo...</p>