q4 Reviewer Hekasi

• Published on
12-Apr-2015

• View
118

• Download
0

Embed Size (px)

Transcript

1. Ang Pamayanang Pilipino Binubuo ang Pilipinas ng ibat ibang pangkat ng mga Pilipinong bahagi n gating teritoryo. Pinaghihiwalay ng KABUNDUKAN, BUROL, at ILOG ang mga pamayang Pilipino. Dahil ditto magkakaiba ang mga paraan ng kanilang pamumuhay. May kani-kaniyang katangian at may sarisariling salita, pagkain, tirahan, pagdiriwang, pamahiin, awitin, kasuotan, at paraan ng pag-aayos ng sarili.

Mahigit sandaan ang mga pangkat ng Pilipino. NAHAHATI SILA SA DALAWANG PANGKAT ANG MALALAKI AT MALILIIT na katutubong pamayanan. 2. MGA PAMAYANAN SA LUZON Naninirahan sa kapatagan ang malalaking pangkat. Ang maliliit na pangkat ay sa maburol at malalayong lugar nakatira. Marami sa mga pamayanan sa Luzon ay nagging Kristyano.

Ang mga nasa kapatagan ay mas mauunlad ang buhay dahil sa mas mabilis na ugnayan.

2.b. MALILIIT NA PAMAYANAN a) Ivatan sa Batanes nakatira ang mga Ivatan. Nasa dulong hilaga ng Luzon ang Batanes. Madalas ito daanan ng bagyo kayat pinapatibay ng mga Ivatan ang kanilang mga bahay. Ang mga bahay nila ay yari sa bato, maliit at kaunti lamang ang bintana. Mga halamang ugat ang kanilang itinatanim upang di mapinsala sa bagyo at malawak ang mga pastulan para sa baka. b) Ifugao galing sa salitang ipugo o mga taong galing burol. Naging kilala sila sa pagbuo ng rice terraces na matatagpuan sa Banawe sa Ifugao. Parte ng Cordillera Administrative Region o CAR sa hilagang Luzon ang Ifugao. Ang mga ninuno nila ay mga pagano na sinusunod ang pagsamba sa kinikilala nilang may likha ng lahat na si Bathala. Sa kasalukuyan, marami na sa kanila ang Kristyano. Ang Hudhud at Alim ay epiko mg kabayanihan at bahagi ito ng kanilang panitikan. Pagsasaka, paghabi ng tela at pag-ukit ng piguring kahoy ay ilan sa kanilang hanapbuhay.

c) Kalinga Ang lalawigan ng Kalinga ay bahagi din ng CAR. Kilala sila sa kanilang makukulay na kasuotan at adorno sa katawan. May walong sulok ang kanilang kabahayan. Palay at kopra ang kanilang produkto. Mahusay din sila sa paggawa ng basket, palayok, at produktong metal.

d) Negrito Matatagpuan sila sa ibat ibang bahagi ng Luzon tulad ng Quezon, Zambales, Cordillera, Bataan at Palawan. Kilala din sila sa tawag na Dumagat, Agta, Batak, Ati at Tagbanua. Umaabot sila sa mahigit na 25 pangkat. Simple lang ang pamumuhay nila at ang armas lamang nila ay pana at palaso. Nangangaso (hunting) sila at nangunguha ng mga produkto sa kanilang paligid. Unti-unti na nasasanay sa pagtatanim at pag-alaga ng hayop.

e) Mangyan Tulad ng mga Negrito, marami din silang pangkat. Sila ay naninirahan sa Mindoro. Nahahati ang kanilang pangkat sa pito at dalawa ditto ay ang Hanunuo at Ratagnon. Palay, kamote, mais at halamang-ugat ang kanilang panngunahing produkto. Ang bawat pamayanan ng mga Mangyan ay binubuo ng 5 hanggang 12 bahay na magkakamag-anak. Ang pinakamatanda sa kanila ang kanilang lider. 2.c. MALALAKING PAMAYANAN a) Ilokano pangunahing pangkat na naninirahan sa Ilocos. Pagsasaka at pangingisda kanilang ikinabubuhay. Palay, tabako at bawang ang ilan sa kanilang mga produkto. Lumaki silang masisikap at matitipid dahil nauunawaan nila ang hirap ng pagsasaka at paghahanapbuhay. b) Pangasinense Matatagpuan sila sa kanlurang bahagi ng Luzon. Sakop din sila ng rehiyong Ilocos. Pagsasaka at

panginigsda din ang kanilang hanapbuhay. Ang iba pa nilang hanapbuhay ay paggawa ng itak, banig na buri at mga produktong metal. Pangasinense ang tawag sa salita nila.

c) Kapampangan sila ang pinakamalaking pangkat sa paligid ng Ilog Pampanga. Ang kanilang rehiyon ang itinuturing na pinakamalaking imbakan ng palay, ang gitnang Luzon. Pagsasaka at panginigisda sa mga sapa at latian ng mga isdang tabang. Kilala sila sa kahusayan sa pagluluto, paggawa ng banig, preserbadong karne (tulad ng tocino, longganisa, etc.) at matamis na pagkain. d) Bikolano matatagpuan sila sa tangway ng Bikol. Isa itong malaking masa ng lupa na nakausli sa timog silangang bahagi ng Luzon. Ang kanilang pangunahing produkto ay abaka at niyog at mga mineral tulad ng bakal, ginto at chromite. Pagsasaka at pagmimina ang kinabubuhay sa Bicol. Kilala din sila sa pagiging relihiyoso. Isa sa mahalaga nilang pagdiriwang ay ang Penafrancia Festival sa lungsod ng Naga.

e) Tagalog sila ang pangunahing pangkat sa Pilipinas. Ang Tagalog na kanilang dialekto ang napiling pagbatayan ng Pambansang Wikang Pilipino. Sila ay nasa CALABARZON, National Capital Region (NCR), MIMAROPA, at ilan pang lalawigan sa Gitnang Luzon. Ang kanilang kinaroroonan ay nasa patag na lugar kayat maunlad ang kanilang kabuhayan. Kilala sila sa pagiging masayahin at palakaibigan.

3. MGA PAMAYANAN SA VISAYAS Matatagpuan ang Visayas sa pagitan ng Luzon at Mindanao Nagkakaiba ang dialekto at paraan ng pamumuhay ang ng pamayanan sa Visayas a) Hiligaynon o Illongo Kilala sila sa pagiging malambing. Naninirahan sila sa Aklan, Capiz, Antique at Iloilo. b) Cebuano sila ang pinakamalaking pangkat sa Kabisayaan. Matatagpuan sila sa Gitnang Visayas. Ang kanilang salita ay Cebuano at kilala ang Cebu sa magagandang tanawin na pinupuntahan ng mga turistang local at dayuhan.

c) Waray matatagpuan sila sa lalawigan ng Leyte at Samar. Sila din ay parating handa sa mapaminsalang bagyo. Ang pangunahing produkto nila ay banig, kopra at isda.

4. MGA PAMAYANAN SA MINDANAO a) Tausug namumuhay sila sa Sulu. Malapit sa karagatan ang kanilang mga tahanan at silay kilala sa kanilang tapang at hilig sa pakikipagsapalaran sa dagat. Kilala din sila sa produktong

armas, alahas, mga produktong bronse, brass at mga telang maninipis. b) Badjao sila ay mga mandaragat din. Silay kilala bilang manlalakbay sa dagat. Nasa dalampasigan ng Sulu ang kanilang mga tahanan na nakapatong sa mga tungkod upang hindi abutin ng pagtaas ng tubig. Namumuhay sila sa panginigsda, pagsisid ng perlas at pakikipagkalakalan.

c) Maranao sila naman ay mga taga-lawa. Sa paligid ng Lawa ng Lanao sila nakatira. Ang Lawa ng Lanao ang pinakamalaki at pinakamalalim sa Pilipinas. Mais, kamote, kape at mani ang kanilang mga produkto.

d) Tboli naninirahan sila sa kabundukan ng Mindanao. Kasama sila sa pangkat ng mga lumad sa Mindanao. Sila ay mga pagano. Ang mga babaeng Tboli ay mahilig sa makukulay na adorno sa katawan. Ang mga lalaki naman ay mahusay sa pangangabayo. Mahilig sila sa musika. Kinabubuhay nila ang pagtatanim paggawa ng mga kalakal tulad ng alahas, palayok, basket at armas.

5. MGA UGALING LIKAS SA MGA PILIPINO Magalang nagbibigay galang sa nakatatanda sa pamamagitan ng po at opo, pagmamano at pagbati. Masipag Maparaan dala ito ng kahusayan sa pag-isip ng ibat ibang paraan para magawa ang nais Malikhain maraming talento ang Pilipino. Kilala sila at mahusay sa ibat ibang uri ng sining Matapang magigiting at mahusay sa pakikipaglaban para sa kalayaan Matulungin Magiliw sa bisita ibinibigay sa bisita ang pinakamahusay na pagasikaso Matapat pagsasabi ng totoo at pagsasauli ng mga bagay na pagaari ng iba Makabayan mahal ng Pilipino ang kanyang inang Bayan Makapamilya Makakalikasan pinangangalagaan niya ang kanyang paligid Maka-Diyos naniniwala sya na may isang Panginoong lumikha sa tao at sa kanyang paligid. Ipinakikita ito sa pamamagitan ng pagdadasal ng taimtim at pagtulong sa nangangailangan.

Mga Makasaysayang Lugar sa PilipinasLuzon Tirad Pass (Ilocos Sur) dito napatay si Heneral Gregorio del Pilar sa pagharang nila sa mga Amerikanong kawal na humahabol sa unang Pangulo ng Pilipinas na si Emilio Aguinaldo Barasoain Church (Malolos, Bulacan) dito naganap ang Kongreso ng Malolos. Ito ay binubuo ng mga unang mambabatas ng pamahalaan ni Emilio Aguinaldo. Sila rin ang sumulat ng Konstitusyon ng Malolos. Dambana ng Kagitingan (Mt. Samat, Bataan) Matatagpuan ito sa tuktok ng bundok na isang malaking krus. Ito ay palatandaan ng mga namatay na sundalo bago ganap na isinuko ang Bataan noong 1942 na panahon ng giyera. Camp ODonnel (Capas, Tarlac) Mula sa Bataan, ang mga sumukong sundalong Pilipino at Amerikano ay pinagmartsa patungong Capas, Tarlac. Maraming namatay sa martsang ito. Ang mga natirang buhay ay ikinulong sa kampong ito. Aguinaldo Shrine (Kawit, Cavite) Dito sa bahay ni Emilio Aguinaldo dineklara ang Araw ng Kalayaan ng Pilipinas noong Hunyo 12, 1898. Dito unang nadinig ang Lupang Hinirang at unang beses na itinaas ang watawat ng Pilipinas. Rizal Shrine (Calamba, Laguna) dito isinilang si Dr. Jose Rizal noong Hunyo 19, 1861.

Metro Manila Rizal Park isang maluwag na parke sa Lungsod ng Maynila. Dati itong tinatawag na Bagumbayan kung saan pinatay ng mga Espanyol si Jose Rizal nuong Disyembre 30, 1896. May malaking monument ni Rizal ditto. Fort Santiago, Manila - Ito ang kuta ni Raha Sulayman nung dumating ang mga Espanyol. Ginawa itong kulungan ng mga bihag ng mga Espanyol. Dito din ikinulong si Rizal bago sya binaril sa Luneta. Makikita ditto ang isang estatwa ni Rizal. Intramuros matatagpuan sa Maynila.Ito ang ikatlong pamayanan ng mga Espanyol. Nababakuran ito ng makakapal na pader kaya ito tinawag na Walled City of Intramuros. Mga purong Espanyol lamang ang mga tumitira dito noon. Nawasak nung giyera ang mga pader ng Intramuros. Monumento ng Balintawak, Quezon City dati itong tinatawag ng Pugad Lawinpa. Dito naganap ditto ang Unang Sigaw sa Pugad Lawin. Dito naganap ang makasaysayan na pagpunit ng mga Pilipinong rebolusyonaryo sa kanilang sa kanilang sedula. Ito ang nagging simula ng rebolusyon ng 1896. Pinaglabanan Shrine, San Juan Dito unang nasabak sa labanan si Andres Bonifacio. Natalo ang kanilang grupo ng mga Espanyol ditto. Naganap ito nung 1896 nang matuklasan ang kanilang samahan na Katipunan. Visayas Monumento ni Lapulapu - Mactan, Cebu Ito ang palatandaan kung saan naganap ang labanan ng Mactan. Natalo dito ng pwersa ni Lapulapu ang pwersa ni Magellan noong 1521.

Sto Nino Basilica, Cebu Sa Cebu naganap ang unang binyagan sa Pilipinas at ang lumahok ditto ay ang mga taga sunod ni Raha Humabon. Sila ang mga unang Kristyano sa Pilipinas. MacArthur Memorial Red Beach Palo, Leyte Sa dalampasigan ng Red Beach dumaong ang pangkat ni Heneral MacArthur at ang pwersang Amerikano nung bumalik sila sa Pilipinas upang pasukuin ang mga Hapon. Kasama nila ang Presidente ng Pilipinas, si Sergio Osmena, Sr. Naganap ito nung 1944

Mindanao Dapitan Rizal Shrine, Zamboanga del Norte dito dinala si Rizal nung sya ay ipatapon ng mga Espanyol. Halos 4 na taon syang nanirahan ditto. Fort Pilar, Zamboanga del Sur ito ang kampo ng mga Espanyol sa Mindanao. Ito ang kanilang nagging huling tanggulan bago tuluyang sumuko sa mga Amerikano. Ginamit din ang moog na ito bilang kampo ng mga Amerkano at Hapon.

MGA KARAPATAN AT TUNGKULIN NG BATANG PILIPINOMga Karapatan ng Batang Pilipino 1. Maisilang at Mabuhay 2. Magkaroon ng tirahan at pamilya 3. Maipahayag ang saloobin 4. Magkaroon ng ligtas na paligid 5. Makapag-aral at Maging matalino 6. Pangalagaan ng pamahalaan 7. Maglaro at maglibang 8. Makapagsimba at magdasal 9. Magtungo saanman naisin 10. Magkaroon ng mga pangangailangan

Mga Tungkulin ng Batang Pilipino 1. Igalang ang Watawat 2. Ipagmalaki ang Sariling Bansa 3. Gamitin ang Sariling Wika 4. Sumunod sa mga Batas 5. Alagaan ang Kapaligiran 6. Pangalagaan ang Sarili

Mga Tungkulin sa Bahay 1. Tumulong sa mga Gawaing Bahay 2. Igalang ang mga Nakatatanda 3. Maging Malusog 4. Mahalin ang Pamilya

Mga Tungkulin sa Simbahan 1. Magdasal ng Taimtim 2. Umawit nang Maayos 3. Making sa Salita ng Diyos 4. Lumahok sa Ritwal ng Simbahan

Mga Tungkulin sa Paaralan 1. Maglinis ng Silid-Aralan 2. Mag-aral ng Mabuti 3. Igalang ang Guro at mga Kawani ng Paaralan 4. Sundin ang mga Tuntunin ng Paaralan

MGA PANGANGAILANGAN NG PAMAYANANDalawang klase ng pangangailangan ng bawat tao: 1. Pangunahing pangangailangan a. Pagkain malinis na inumin at masustansyang pagkain b. Tirahan sapat na kasya at komportable ang pamilya sa tirahan nila c. Kasuotan na nababagay sa klima, nararanasan, lugar na kinaroroonan at okasyong pupuntahan 2. Karagdagang pangangailangan a. Edukasyon upang masagot ang maraming nyang tanong tungkol sa kapaligiran nya b. Pakikipag-ugnayan sa Diyos dahil ito ang magbibigay katahimikan ng isip c. Hanapbuhay dahil ditto mangagaling ang kanyang kita na sya naman nyang gagastusin sa lahat ng kailangan nya sa buhay d. Kaligtasan mula sa sakit at panganib e. Pagmamahal ng pamilya at mga kaibigan dahil sila magbibigay sa kanya ng panahon para making at tulungan siya f. Ehersisyo para siya ay lumakas at lumusog g. Pahinga at libangan

MGA PANGANGAILANGAN NG PAMAYANAN1. Sapat na Pagkain sa pamayanang rural (probinsya) madalas na ang pagkain ay sariwa at nagmumula sa sariling ani

2.

3.

4.

5.

6.

7.

(harvest). Sa pamayanang urban (cities) mahalaga ang may trabaho ang bawat pamayanan. Matapat at Mahusay na Pinuno Kapag tinupad ng mga pinuno sa pamayanan ang kanilang katungkulan nagiging maayos ang pamayanan. Hindi dapat nasasangkot sa korupsiyon at katiwalian ang mga pinuno ng pamayanan. Pakikiisa ng mga Mamamayan maraming proyekto para sa mga mamamayan an gating pamahalaan. Malaki ang papel ng mga mamamayan sa ikatatagumpay ng mga proyektong ito. Kapag di nila sinuportahan at sinalihan ang mga proyektong ito, wala lamang mangyayari sa mga proyekto at di uunlad ang buhay ng mga mamamayan nito. Luntiang Kapaligiran kapag luntian ang kapaligiran, produktibo ang kapaligiran. Importante na produktibo ang kapaligiran dahil dito nagmumula ang mga kailangan ng tao. Ang pagkasira ng kapaligiran ay magbubunga ng pagkawala ng pakinabang na kailangan ng tao. Tahimik na Kapaligiran Nakapamumuhay nang payapa ang mga tao kung tahimik ang kanilang kapaligiran. Ang tahimik na paligid ay ligtas sa mga panganib na dulot ng masasamang tao. Masayang Pamilya kapag masaya ang pamilya masaya din ang pamayanan. May mga ahensya sa pamahalaan na tumutulong na maging masaya ang pamilya, katulad ng pagbibigay ng trabaho sa mga walang trabaho, pagpapagamot sa maysakit, pagtulong sa biktima ng bagyo, baha at kalamidad. Pagtutulungan ng Tao at Pamayanan kapag lahat ng myembro ng pamilya ay mayroon ng kanilang kailangan, nagiging kontento sila at dahil dito madali silang tumulong sa

kanilang kapwa. Maraming pangangailangan ang isang pamayanan kayat importanteng nagtutulungan ang bawat kasapi ng pamayanang ito.

MGA LINGKOD BAYANMaaaraing hatiin ang mga lingkod-bayan sa: 1. Propesyonal gumagamit ng kanilang talino at napag-aralan; sila din ay nakapagtapos ng kolehiyo 2. Lakas-bisig gumagamit ng kanilang lakas at kakayahan; sila ay nag-aral ng isa o dalawang taon na kursong bokasyonal Maari ding hatiin sila sa: 1. Lumilikha ng produkto sila ang nakabubuo ng kalakal tulad ng isda, bigas, damit, ginto, de-latang pagkain, at mga kagamitan sa paaralan. Sila ang mga minero, magsasaka, mangingisda, at iba pa. 2. Nagbibigay ng serbisyo sila ang mga manikurista, labandera, barber, guro, duktor, abogado, at iba pa. MGA IBAT IBANG KLASE NG LI...