Thesis Filipino

• Published on
31-Oct-2014

• View
433

• Download
3

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Ilegal na Sugal sa ating Bansa

Transcript

Ilegal Na Sugal Sa Ating Bansa

Iniharap bilang Bahagi sa Pagsasakatuparan ng Kinakailangan sa Filipino IV

Ni:

Inihandog kay:

February 15, 2012

Talaan ng Nilalaman Kabanata 1 Introduksyon Pagtukoy sa Problema Kahalagahan ng Pag-aaral Saklaw at Limitasyon Kabanata 2 Metodolohiya Depinisyon ng Terminilohiya Kabanata 3 I. Mga dahilan kung bakit nag-jujueteng ang mga tao. II. Kung bakit hindi mapuksa-puksa ng gobyerno ang jueteng III. Kung dapat bang gawing legal ang jueteng IV. Jueteng sa Pilipinas V. Isyu sa Jueteng VI. Imbestigasyon sa jueteng VII. Bakit may jueteng? VIII. Sino ang mga tumataya sa jueteng? IX. Bakit walang magawa ang gobyerno natin tungkol sa jueteng?

Kabanata 4 Buod Konklusyon Rekomendasyon Bibliograpi

IntroduksyonAng jueteng ay hango sa salitang Tsina na nangangahulugang Bulaklak (jue) at Taya (teng). Ito ay isang illegal na laro gamit ang mga numero. Kahit na ito ay ilegal, itoay popular na laro. Ito ay nilalaro ng mga mayayaman at mahihirap na tao. Ang jueteng ay walang tax kaya malaki ang kinikita ng mga jueteng operators. Sinasabing may daya din sa larong ito. Kahit anong gawin ng gobyerno ay hindi parin nila masugpo-sugpo ang mga pagpapa-jueteng ng mga tao, at ang kahirapan ay patuloy na lumalaganap sa ating bansa. Subalit sina Juan Ponce Enrile at Jinggoy Estrada ay nagsabi na ang jueteng ay dapat gawing legal para ang mga profit ay mapunta sa gobyerno. Subalit ito ay hindi pinaunlakan ng ating pangulo na si Pangulong Aquino at siya ay gumawa ng plano katulong and Department of Interior and Local Government at ang Philippine National Police na labanan at tapusin ang jueteng sa Pilipinas Maraming mga tao ang nalululong sa masamang bisyo na ito mayaman man o mahihirap subalit hindi natin sila masisisi dahil nga naman sa hirap siguro ng buhay ngayon ay lahat gagawin nila para umunlad. Ito lang ang nakikitang paraan ng mga tao na lulutas sa kanilang mga problema dahil narin siguro sa kakulangan ng trabaho sa ating bansa. Hanggang ngayon ang ilegal na sugal na ito ay laganap parin sa ibat-ibang parte ng Pilipinas. Kung marami sanang mga trabaho sa ating bansa ay wala sigurong mga ganitong ilegal na sugal. Ang unang rason ng mga tao kung bakit sila naglalaro ng ilegal na sugal na ito dahil ito lamang daw ang kanilang alam na paraan para malutas ang mga problema nila sa mga babayarin dahil sa panahon ngayon ay pahirap na ng pahirap ang buhay ng bawat mamamayang Pilipino at dahil narin sa kakulangan ng trabaho na dapat ay binibigay ng gobyerno sa mga Pilipinong hirap sa buhay.

Pagtukoy sa ProblemaSa pananaliksik na ito, ang mananaliksik ay gustong masagutan ang mga pangunahing tanong tungkol sa paksang JUETENG. 1. Mga dahilan kung bakit nag-jujueteng ang mga tao. 2. Kung bakit hindi mapuksa-puksa ng gobyerno ang jueteng 3. Kung dapat bang gawing legal ang jueteng

Kahalagahan ng Pag-aaralAng aking pag-aaral tungkol sa jueteng ay mahalaga para malaman ng mga tao kung bakit marami sa ating mga Pilipino ang nahuhumaling at naloloko sa jueteng, kahit alam nilang ito ay ilegal. Mahalaga ang pananaliksiik na ito upang malaman ang mismong ugat ng pagpapajueteng ng mga tao, at kung bakit nila ito ginagawa. Isa pang kahalagahan ng aking pag-aaral tungkol sa jueteng ay para malutas na ang problemang ito ng gobyerno. Para malaman ng mga ahensyang papaano nila ito mapupuksa.

Saklaw at LimitasyonAng limitasyon ng pamanahong papel na ito ay hanggang sa isa sa mga ilegal na sugal sa ating bansa yun ay ang jueteng. Kinakailangang masagutan kung ano ang dahilan bakit nalululong ang mga tao sa ganitong sugal, kung paano mapupuksa ang sugal na ito at kung dapat bang gawing legal ang jueteng.

Kabanata 2MetodolohiyaAng pag-aaral na ito ay nabuo sa pamamagitan ng pagbabasa ko ng mga libro at mga datos sa internet na nauukol sa jueteng. Karamihan sa mga mahahalagang impormasyon na nakuha ko ay mulas sa internet at malimit sa mga babasahing aklat.

Katuturan ng mga Katagang Ginamit1. Kahirapan ng ating bayan Karamihan sa ating mga mamamayan ay nag jujueteng o nagpapajueteng dahil sa kahirapan ng ating bayan. Dahil kung hindi naman mahirap an gating bayan tiyak mayroon silang marangal at maayos na trabaho at hindi mauuso ang ilegal na sugal na jueteng. 2. Kawalan ng maayos ng maaaring pagkakitaan Isa pang sanhi ng jueteng ay ang kawalan ng maayos na puwedeng pagkakitaan ng mga tao, dahil kung mayroon naming maayos at marangal na trabaho na maibibigay sa bawat tao hindi sana papasok sa mundo ang jueteng. 3. Kawalan ng kooperasyon mula sa ibat ibang ahensya ng pamahalaan Ito ang dahilan kung bakit hindi mapuksa-puksa ang jueteng, dahil hindi inaasikaso ng mga ahensya ang pagtatrabaho nila at ang iba sa kanila ay kasangkot sa jueteng. 4.Matinding kahirapan ng mga Pilipino na sanhi ng kurapsyon sa pamahalaan. Isa rin ito sa mga dahilan kung bakit pumapasok ang isang tao sa mundo ng jueteng dahil kung hindi dahil sa korapsyon hindi sila maghhirap. 5. Ang madaling pagkita ng pera sa Jueteng. Madaling magkapera sa jueteng kaya madaming tao ang nagpapa-jueteng kahit alam nilang ito ay bawal.

Kabanata 3Jueteng sa PilipinasMahilig mangarap ang Pilipino. Masarap at libre ito. Wala itong batas na dapat sundin at wala din itong hangganan. Pwedeng mangarap nang mababa o mataas. Kahit imposibleng bagay pwedeng pangarapin. Maraming Pilipino ang nangangarap na makaahon sa hirap kaya marami ang nahuhumaling sa mga larong numero na pinapairal ng swerte o baka sakali. Ang jueteng (kung bigkasin ay hwe-teng) ay isang ilegal na laro gamit ang numero. Ito ay pabaritong nilalaro sa ibat ibang parte ng Pilipinas. Naging kontrobersiyal ang larong jueteng noong 2000 kung saan nasangkot ang pinakamataas na pinuno ng bansa. Naging napakalaking usapin ang pagiging sangkot ng dating Pangulong Joseph Estrada sa usaping jueteng payola (pera mula sa jueteng). Itinuro ang dating pangulo bilang pinakamataas na galamay sa likod ng ilegal na larong jueteng ni Governor Luis Singson. Nagimbal ang buong Pilipinas at pati na din ang ibang mga bansa sa paglantad ng balitang ito na humantong sa prosesong impeachment laban sa dating Pangulong Estrada. Bilang panlaban sa ilegal na jueteng, itinatag ang small town lottery. Halos pareho lamang ang paraan ng paglaro ng jueteng at small town lottery ngunit tila mahirap sugpuin ang jueteng dahil patago pa din itong ginagawa sa ilang lalawigan sa Pilipinas. Ano ba ang jueteng? Ang salitang jueteng ay hango sa salitang Chinese na hue na katumbas ng bulaklak (flower) at eng na ibig sabihin ay pagtaya (to bet). Ang jueteng sa Pilipinas ay mula pa noong panahon ng kolonya ng Espanya.

Ang jueteng ay dumedepende sa dami ng mga tumatayang tao. Simple lamang laruin ang jueteng. Pipili ka lamang ng dalawang numero mula 1 hanggang 37. Ang larong ito ay mahigpit na ipinagbabawal ng gobyerno kaya ang pagbola nito ay palihim na ginagawa. Ang nananalong pares na numero sa jueteng ay binobola, gamit ang maliliit na bolang kahoy (tinatawag na bolitas) na markado ng numerong 1 hanggang 37. Ang bola ay ginagawa ng isang bolero at sinasaksihan ng mga cabo. Pagkatapos kalugin ng bolero ang bote ay kumukuha siya ng isang bolita. Ang numero sa bolita ay sinusulat at ang bolita ay binabalik sa bote. Kinakalog muli ito ng bolero at kumukuha ng ikalawang bolita at sinusulat. Ang dalawang magkasunod na numero ng bolitas ay ang nagiging panalong kombinasyon sa bolang iyon. Hindi pare-pareho ang panalo sa jueteng. Nagbabayad and operator ng P700 hanggang P900 para sa nanalong kombinasyon sa bawat pisong taya. Napag-alaman ko na ang jueteng sa probinsiya ay ginagawa tatlong beses isang araw. Isa sa umaga, tanghali at gabi. Dati daw pwede tumaya sa jueteng sa halagang 25 centavos lamang. Ngunit sa aking pagtatanong, ang malimit na pinakamababang taya ngayon ay piso. Wala naman daw limitasyon ang tayang pera. Ang jueteng ay popular sa mga mahihirap at mga lower-middle class na Pilipino. Terminolohiyang jueteng Sa aking pagtatanong tungkol sa jueteng, may mga terminolohiya akong natutunan. Ang tawag sa taong nangangalap ng taya ay kubrador. Ang taya naman ay tinatawag na kubra. Bangka ang ngalan ng pinagbibigyan ng lahat ng taya sa isang lugar. Ang mga numero naman na napipisil na lumabas ay paya. Ang tawag sa papel na sinusulatan ng mga taya ng isang kubrador ay dilito at ligaho naman ang mala-diary na pinagsusulatan ng mga numerong

tumama na. Minsan may pagkakataong magkaparehong numero ang tumatama. Ang tawag sa parehong numerong lumabas ay tupyang o pares (halimbawa 23x23). Ang tumbok ay kapag ang unang numero mo ay tugma sa unang numero na lumabas sa bola, mananalo ka ng pera base sa iyong taya. Ang sahod ay ang taya sa panghuling numero kung sakaling nauna ang panghuling numero mo sa kinalabasan ng bola. Saklang ang tawag kapag tumaya ka ng parehong halaga sa dalawang numero. Ang alaga ay ang mga numerong paboritong tayaan o paulit-ulit na tinatayaan. Butas naman ang siyang tawag kapag kamuntikan nang lumabas ang numero mo ngunit nagkulang o sumobra lamang ito ng isa. Panaginip at jueteng May nagkwento sa akin na maari mong gamitin ang panaginip mo sa pagtaya sa jueteng. May listahan akong nakita na tinatawag na annunsyo. Dito nakasulat ang katumbas na numero ng mga panaginip. Nakopya ko ang iba sa mga ito.

Mga halimbawa ng katumbas na numero ng mga panaginip: 1 lalaki, ahas na maliit, lubid 2 babae, ibon 3 lumilipad, tatlong sulok 4 aso, kalaban, baka, kabaong 5 ahas na malaki, apoy, dugo, kamay 6 kuwintas, balon ng tubig 7 itak, baril, gunting 8 tae, hubad, ginapos 9 patay, susi, pari

10 bilog, lasing, putol Mahaba ang annunsyo dahil hanggang 37 ang listahan. Mula pa daw noong panahon ng Espanyol ang pagpapakalat ng annunsyo ngunit marami pa din Pilipino ngayon ang naniniwala dito. Kampanya kontra jueteng, tuloy sa General Tinio Masusing binabantayan ng mga awtoridad sa General Tinio ang operasyon ng jueteng at iba pang anyo ng ilegal na pasugalan sa bayan. Yan (jueteng) ang kanser sa society, ayon kay Mayor Virgilio Bote kasunod ng pagsasabing maghihirap lang lalo ang mga maralita kung tataya sa jueteng. Sa pangtangkilik ng mga mahihirap sa jueteng, sinabi ni Mayor Bote na milyon-milyong piso ang mailalabas sa bayan at hindi na maibabalik para mapakinabangan ng munisipalidad. Sa impormasyong nakalap ng pamahalaang bayan, walang nangyayaring bolahan sa General Tinio at maaring sa ibang mga lugar pa ito ginaganap. Ani Mayor Bote, walang tigil ang ugnayan ng pamahalaang bayan ng General Tinio sa kanilang mga barangay para hindi makakuha ng simpatya sa mga residente ang mga kubrador ng jueteng. Sampung mga barangay ang nagpalabas ng sertipikasyon na walang nangungubra ng taya sa kanilang teritoryo: Sampaguita, Bago, Pulong-Matong, Poblacion East, Poblacion West, Nazareth, Pedro, Palale, Pias, at Padolina. Para magkaroon ng pagkakaabalahan ang mga mamamayan, sinabi ni Mayor Bote na sinisikap nilang lumikha ng mga proyektong magdudulot ng kabuhayan at trabaho sa mga mamamayan tulad ng pagsasaayos ng kanilang Papaya Mall at ilang gusali ng munisipiyo.

Pinag-aaralan din ng pamahalaang lokal at ng iba pang opisyal ng pamahalaan bayan ng General Tinio kung paano pasisiglahin ang turismo sa kanilang lugar lalo na't kanilang nasasakupan ang Minalungao National Park. (WLB/LDRP-PIA Nueva Ecija)

Isyu sa JuetengIsa sa mga epistemikong problema ng bansa ay yaong may kinalaman sa diumanong partisipasyon ng maraming lokal na pamahalaan sa tinaguriang pambansang sugal ng bansa, ang jueteng. Matatandaan ang maraming isyung kasangkot rito ay mga matataas na opisyal na sinasabing protektor ng jueteng. Hindi mawawala sa ating alaala ang pagkasangkot ng dating pangulong Joseph Estrada kung saan tila malaking bato ang ipinukol sa kanya na kagyat na nagpahina sa kanya bilang isa sa mga pangulo sa kasaysayan ng bansa na nakakuha ng pinakamataas na boto sa pagkapresidente. Ibig sabihin ang kanyang kasikatan at taglay na karisma ay pumasok sa puso ng maraming mamamayang Pilipino. Sa kasalukuyan, ang pag-uupo ni Pangulong Aquino kay dating Naga City Mayor Jesse Robredo ay ikinatuwa ng maraming tagasuporta ng adbokasiyang kilusan para sa Good Governance o mabuting pamamahala samantalang ang iba ay naalarma bunga ng rekord ng naturang Mayor sa pagsugpo ng jueteng sa kanyang lungsod na pinamahalaan. Ang hamon sa pagsugpo nito, bagaman maaaring hindi sapat ang isang termino sa tuluyang paglusaw o pagsasabatas nito, ay nakapagpa-isip-isip ng malalim hindi lalong higit sa ahensiya ng pamahalaang nakakasakop dito. Kapag naging legal ang jueteng KUNG ano ang illegal at patago iyon ang gustong gawin. Ganyan ang jueteng. At ngayong marami ang nagsusulong na gawing legal ang jueteng, marami rin naman ang nag-iisip na kapag na-ging legal ang sugal na ito, isa na namang illegal na sugal ang susulpot at problema na naman ang kasunod. Mahihirap na mananaya ang muling kakasangkapanin.

Ang mga dahop ang pamumuhay ang nabibiktima ng jueteng. Mula sa taya na P1 nang mahihirap, mara-ming yumayaman. Sa dami nang tumatayang mahihirap, milyon ito kapag natipon. Mula sa natipon, dito kinukuha ang pantapal sa mga corrupt na government at police official. Yumayaman ang bangkero o namumuhunan sa jueteng dahil dinadaya nila ang lumalabas na numero. Hindi sila ganoon katanga para patamain nang todo ang nanalong numero. Ang pinatatama nila ay ang numerong kakaunti ang taya para hindi tumaob ang bangka. Kaya walang mananaya na nakakadyakpat sa jueteng. Yung mga nananalo ay sapat nang maibili ng ilang kilong bigas ang napanalunan. Marami nang masamang nangyari sa Pilipinas dahil sa jueteng. Napatalsik sa puwesto si dating President Joseph Estrada dahil sa jueteng. Sa panahon ni dating President Gloria MacapagalArroyo ay yumanig din ang Pilipinas dahil sa jueteng. At ngayong si President Aquino na ang nakaupo ay patuloy din naman ang kontrobersiya sa jueteng. Ilang Cabinet members ni Aquino ang pinaratangang tumatanggap ng milyong piso mula sa jueteng operators. Nayayanig na naman ang bansa dahil sa jueteng. Paulit-ulit na lang. Tuwing magpapalit ang administrasyon ay laging may isyu ang jueteng. Ngayon ay mainit ang pagpupursigi na gawin nang legal ang jueteng para raw makinabang ang gobyerno. Para wala na raw kontrobersiya. Sa aming palagay kahit gawin itong legal, patuloy pa rin ang pagkakaroon ng iba pang sugal na pagkakakitaan ng mga corrupt. Patago pa rin ang gusto nila. Kung alin ang bawal, iyon ang gagawin. Ipagpatuloy na lang ang kampanya sa jueteng na paghuli kuno at ang imbestigasyon kuno ng Senado. Mas mabuti na ito kaysa may susulpot na bagong sugal.

Imbestigasyon sa juetengSa kasalukuyan ay nagsasagawa ng imbestigasyon ang blue ribbon committee ng mataas na kapulungan ng kongreso hinggil sa pagka-kasangkot ng ilang personalidad sa ilegal na su-gal na jueteng. Ilan sa mga senador ang nagsasabi na upang matigil ang korupsiyon sa ilegal na sugal na ito ay dapat gawing legal ang jueteng nang sa gayon ay sa gobyerno na lamang ma...