TP-FILI BSA

  • Published on
    29-Oct-2015

  • View
    84

  • Download
    0

Embed Size (px)

DESCRIPTION

jbjhb

Transcript

SALOOBIN NG MGA MAG-AARAL HINGGIL SA PAGDARAGDAG NG TIG-ISANG TAON SAKURIKULUM NG ELEMENTARYA AT HAYSKUL

Isang Pamanahong Papel na Iniharap sa Kaguruan ng Departamento ng Filipino,Kolehiyo ng Pagtutuos, Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas

Bilang pagtupad sa mga Pangangailangan ngAsignaturang Filipino I, Pagbasa at PagsulatTungo sa Pananaliksik

Ng:BSA 1-1

Marso, 2011Dahon ng PagpapatibayBilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignaturang Filipino I, Pagbasa at Pagsulat I Tungo sa Pananaliksik, ang pamanahong papel na ito na pinamagatang saloobin ng mga mag-aaral hingil sa pagdaragdag ng tig-isang taon sa kurikulum ng elementarya at highschool ay inihanda at iniharap ng pangkat ng mga mananaliksik mula sa BSA 1-1 na binubuo nina:

Cristina AndayaCharlene CaraanGrecilyn Delos ReyesAlvin GuardianoElaine ManaigSarah Mae MagpiliMaurene OriolMichaela Krishia PeradaMika Isabel ReyesZhara Grace Tropia

Ang mga datos na nakapaloob sa pananaliksik na ito ay sinaliksik, inayos, at inihanda ng mananaliksik na nasa ika-unang taon sa kolehiyo, Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas, Sto. Tomas. Tinanggap sa Kagawaran ng Filipino, Kolehiyo ng Pagtutuos, Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas, bilang isa sa mga pangangailangan sa asignaturang Filipino I, Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik ni:

_____________________________Honorato CabreraPropesor at Puno ng DepartamentoListahan ng mga Talahanayan at Graph

I. Talahanayan I : Distribusyon ng mga Respondenteng Mag-aaral, Guro at Magulang sa Mababa at Mataas na Paaralan ng Malaking PuloII. Graph I: Sang-ayon ka ba sa pagdaragdag ng isang taon sa kurikulum?III. Graph II: Sa iyong palagay, makatutulong ba ang panukalang ito sa lubos na pagkatuto ng mga estudyante?IV. Graph III: Sa iyong palagay, sapat na ba ang pondong inilalaan ng Gobyerno para sa sektor ng edukasyon?V. Graph IV: Sa iyong palagay, makatutulong ba ang panukalang ito upang maitaas ang kalidad ng edukasyon ng bansa?VI. Graph V: Sa iyong palagay, sapat na ba ang mga pasilidad sa pagtugon sa pangangailangan ng mga mag-aaral?VII. Graph VI: Sa inyong palagay, kanino dapat isisi ang mababang antas ng edukasyon sa bansa?VIII. Graph VII: Sa inyong palagay, makadaragdag lamang ba ang panukalang ito sa mga gastusin ng pamahalaan?IX. Sa inyong palagay, masusukat ba ang pagiging edukado ng isang mag-aral batay sa dami ng taon ng kanyang pag-aaral?X. Sa inyong palagay, magreresulta ba sa pagkawala ng interes ng mga mag-aral ang pagdaragdag ng isang taon sa kurikulum?XI. Sa inyong sariling palagay, bakit dapat o hindi dapat ipatupad ang panukalang ito?PasasalamatAng mga mananaliksik ay lubos na nagpapasalamat sa mga nakiisa at naging kabahagi sa matagumpay na pananaliksik na ito.Kay G. Honorato Cabrera, sa pagiging daan sa pagbuo namin ng isang natatanging pamanahong papel.Sa aming mga magulang, sa taos pusong pagsuporta at pagbibigay ng tulong pinansyal upang maisakatuparan namin ang proyektong ito.Sa aming mga kaibigan na naglaan ng panahon at nagbigay ng mga kontribusyon upang matagumpay na matapos ang pamanahong papel na ito.At higit sa lahat ang Poong Maykapal na nagbigay sa amin ng ibayong kaalaman at paggabay hanggang sa matapos ang maipagmamalaking proyekto na ito.

TALAAN NG NILALAMANKabanata I Ang Suliranin at Kaligiran NitoI. IntroduksyonII. Layunin ng Pag-aaralIII. Kahalagahan ng Pag-aaralIV. Suliranin sa Pag-aaralV. HaypotesisVI. Saklaw at Limitasyon sa Pag-aaralVII. Depinisyon ng mga TerminolohiyaKabanata II Mga Kaugnay na Pag-aaral at LiteraturaKabanata III Disenyo at Pamamaraan ng PananaliksikI. Disenyo ng PananaliksikII. Mga RespondenteIII. Instrumentong PananaliksikIV. Tritment ng mga DatosKabanata IV Presentasyon at Interpretasyon ng mga DatosKabanata V Lagom, Kongklusyon at RekomendasyonI. LagomII. KongklusyonIII. RekomendasyonUNANG KABANATAANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO1. IntroduksyonAng edukasyon ay kinabibilangan ng pagtuturo at pag-aaral ng mga kasanayan, pagbabahagi ng mga kaalaman, mabuting paghusga at karunungan. Masasabing isa itong tuntungan ng pagkahubog at pag-unlad ng lipunan ng isang bansa. Gayundin, isa rin itong mabisang sandata upang palayain ang samabayanan mula sa pagkaalipin, ito man ay sa larangan ng kultura, ekonomiya at pulitika. Sa kabuuan, ito ay binuo na may isang hangaring makapagdudulot ng kapakinabangan sa lahat, upang mabigyang kaalaman ang mga isip na gutom sa karunungan.Sa panahon ngayon, isa ito sa mga problemang nais ng matuldukan ng ating gobyerno. Lubos na mababatid kung gaano kababa ang literacy rate ng Pilipinas kung ikukumpara sa ibang bansa. At bilang solusyon ng ating pamahalaan sa suliraning ito, isang panukala ang ilalapat sa mga pribado at pampublikong paaralan at ito nga ang 12-taong sistemang pag-aaral sa elementarya at sekundarya na kilala rin sa tawag na K12.Sa tulong ng pananaliksik na ito, ating malalaman ang ibat ibang reaksyon ng mga estudyante ukol sa gagawing panukala, maging ang mga gurong tagahubog sa mga mag-aaral at ang mga magulang na siyang tumutustos sa mga pangangailangan ng kanilang anak. Ano nga ba ang kapakinabangan nito sa mga mag-aaral? Sapat na nga ba ang paraang ito upang masolusyunan ang nasabing suliranin?

2. Layunin ng Pag-aaral

a.) Maipabatid ang saloobin ng mga piling mag-aaral, guro at magulang hinggil sa dalawang karagdagang taon sa kurikulum.b.) Malaman ang maaring epekto ng panukalang itob sa pagtaas ng kalidad ng edukasyon ng bansa atc.) Matukoy ang mga suliraning kaakibat sa pagpapatupad ng nasabing panukala.

3. Kahalagahan ng Pag-aaralInaasahan ng mga mananaliksik na malaki ang maitutulong ng pag-aaral na ito sa mga ss: Sa mga mananaliksikUpang makakalap ng mga impormasyon ukol sa nasabing paksa na kinakailangan upang makabuo ng kongklusyon na siya namang maaring maibahagi sa lahat. Sa mga guroSa pagpapalawak ng kanilang pang-unawa sa saloobin ng mga estidyante ukol sa pagdaragdag pa ng dalawang taon sa kurikulum. Sa mga mag-aaral at magulangUpang mabigyang tinig ang kanilang saloobin ukol sa nabanggit na isyu at upoang mapabatid sa kanila ang layunin ng Kagawaran ng Edukasyon sa gagawing hakbangin na ito. Sa gobyernoUpang kanilang mabatid ang kanilang pagkukulang at pananagutan sa edukasyon ng bansa. Ito rin ay maaring magsisilbi nilang batayan sa paggawa ng aksyon ukol sa isyu. Sa komunidadUpang maging bukas ang kanilang isipan sa suliranin ng bansa na ito at para na din makapagbuo sila ng kuro-kuro kung paano makatutulong sa pagreresolba nito.

4. Suliranin sa Pag-aaralAng pag-aaral na ito ay layuning alamin ang saloobin at pananaw ng mga piling mag-aaral, magulang at guro ukol sa pagdaragdag ng tig-isang taon sa kurikulum ng elementarya at sekundarya.Naglalayon din itong mabigyang kasagutan ang mga ss na katanungan:1.) Ano ang saloobin ng mga mag-aaral, magulang at guro sa pagdaragdag ng dalawang taon sa kurikulum ng mga paaralan?2.) Lubos bang makatutulong sa pagpapataas ng kalidad ng edukasyon ang panukalang ito?3.) Ito ba ang pinakamainam na solusyon sa patuloy na pagbaba ng kalidad ng edukasyon sa Pilipinas?

5. HaypotesisMalaki ang maitutulong ng pagdaragdag ng dalawang taon sa kurikulum upang maiangat ang antas ng edukasyon sa kabila ng kaakibat na mga suliranin.

6. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaralAng pag-aaral na ito ay sumasaklaw lamang sa mga mag-aaral, magulang at guro ng mataas na paaralang sekundarya ng Malaking Pulo. Ang mga mananaliksik ay napagpasyahang limitahan ang pag-aaral sa extent na ito dahil ang prayoridad ng pananaliksik ay malaman ang saloobin ng mga mag-aaral, magulang at guro tungkol sa pagdaragdag ng tig-isang taon sa kurikulum ng mga elementarya at hayskul.7. Depinisyon ng mga TerminolohiyaK12- panukalang pang-edukasyon ng pamahalan na nagdaragdag ng dalawang taon sa kurikulumIlliteracy- kamangmangan, kawalang kakayahan sa pagbasa t pagsulat.Kurikulum- sang integral kurso ng akademikong pag-aaral;.Panukala- rekomendasyon, plano, mungkahi, programa.Badyet- kaukulang salaping nakalaan para sa isang partikular na layunin.Edukasyon- ang pagtuturo o pag-aaral ng isang kasanayan.DEPED- Departamento ng EdukasyonIkalawang KabanataMGA KAUGNAY NA PAG-AARAL O LITERATURA

K12 SA PILIPINAS, SOLUSYON BA?ni: Michael A. Montuya ng Jose Panganiban Elementary SchoolIsang malaking hamon sa Administrasyong Aquino kung paano mapapaunlad at higit pang mapapataas ang antas ng edukasyon ng ating bansa kaya inilunsad nito ang K12 o karagdagang dalawang taon sa Kurikulum ng Sekundarya. Subalit ito nga ba ang sagot sa problema ng edukasyon? Tama ba ang programang ito?Sa aking pananaw, dapat pag-isipang mabuti ang programang ito kung ito man ay ipapatupad at isaalang-alang ang kasalukuyang problema ng edukasyon. Maaring maganda ang programang ito subalit dapat pa ring isaalang-alang ang mga sumusunod;1. Budget sapat ba ang pundo ng Department of Education upang tustusan ang pangangailanganng bawat paaralan. Sa kasalukuyan ay marami pang paaralan ang nangangailangan ng mga silid aralan at ilan sa kanila ay nagkakasya na lamang sa ilalim ng puno, stage at ilang lugar na puwedeng kanlungan ng mga estudyante.2. Imprastraktura karagdagang taon, karagdagang silid-aralan, ito ang problemang posibleng kaharapin ng gobyerno lalo nat magdagdag sila ng taon sa Sekundarya.3. Guro sapat ba ang guro sa bawat paaralan? Sa panahon ngayon ay marami pang mga paaralan ang nangangailangan ng mga guro na hindi mabigyan dahil na rin sa kakulangan ng pundo ng Department of Education. Kaya kung ipapatupad ito mangangailangan muli ng karagdagang mga guro na siyang magtuturo sa dagdag na dalawang taon.Maaring ilan lamang ito sa aspetong dapat tutukan ng Department of Education at ilang sangay ng gobyerno upang maayos na maipatupad ang K12 subalit ipatupad man ito ay patuloy na sisiklab ang protesta ng mga magulang at mag-aaral na direktang maapektuhan ng programang ito.Nakikita m